Epilogue

2.7K 134 114
                                    

Limang taon na ang nakalipas simula nung mamatay ang bestfriend ko. Limang taon na din ang nakalipas nung mangyari ang tagpong iyon sa tulay at patawarin ako ng bestfriend ko. Si Clara.


Simula nun, hindi na siya nagpapakita sa akin ni sa panaginip. Nalulungkot man ako minsan dahil namimiss ko siya ay ipinagpalagay ko na lang na masaya na siya kung saan man siya naroroon ngayon.


"Graduating with baccalaureate degree in Psychology, Summa Cum Laude, Jane Santos."


Agad akong napatayo nung marinig ko ang pangalan ko na binanggit ng emcee. Agad din na napuno ng masigabong palakpakan galing sa mga graduates at mga parents ang gym na iyon ng university kung saan ako nagtapos. Sa university kung saan namin napagkasunduan ni Clara na mag-aral ng kolehiyo noon.


Agad akong naglakad patungo sa harap ng stage. Pagkatuntong ko sa stage ay agad na binigay ng Presidente ng university ang diploma ko at kinongratulate ako. Nagsilapitan na din ang mga professors ko at gaya ng Presidente namin ay kinongratulate din nila ako.


Walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko nang mas lumakas pa ang palakpakan at hiyawan kasabay ang pagtaas ko ng diploma ko. Pero nadagdagan pa ang sayang yun na nararamdaman ko nang sa may di kalayuan ay may naaninag akong bulto ng babaeng kilalang kilala ko. Nakangiti siya at nakikisabay sa palakpakan ng mga tao.


"Clara." Mahinang bulong ko kasabay ng pagkalaglag ng mga luha ko. Mayamaya pa ay kumilos ang mga labi niya.


"Congratulations bestfriend." Yan ang nabasa ko sa mga labi ni Clara.


"Salamat. Salamat best"


---


Natapos na ang graduation at andito na kami ngayon sa sementeryo, sa puntod ni Clara. Gusto ko kasing magcelebrate na kasama siya.


Busy sa pag-aayos ng mga lamesa at upuan si Mama at si Tita Cassandra habang si Tito naman na Papa ni Clara ay busy sa pag-iihaw ng karne at pagluluto ng iba pang ulam. Ako naman ay abala din sa pagbababa galing sa kotse ng mga plato, kutsara at ng iba pang pagkain na niluto ni Mama kanina.


Nagtataka ba kayo kung bakit andito si Tita at Tito? Oo, napatawad na nila ako limang taon na din ang nakalilipas at heto nga sila ngayon, sobrang supportive sa akin. Tinuring din nila akong parang anak na nila. Sa katunayan nga niyan ay tumutulong sila kay Mama sa mga gastusin sa pag-aaral ko sa kolehiyo kaya napakalaki ng utang na loob ko sa kanila.


Pagkatapos kong ma-ibaba lahat ng kutsara, plato at mga pagkain at ma-i-arrange yun sa lamesa ay agad akong nagbalik sa loob ng kotse at kinuha ang isang malaking bouquet ng pink na mga rosas na binili ko kanina pati na din ang diploma at mga parangal na nakuha ko kanina. Agad akong naglakad patungo sa puntod ni Clara at na-upo sa harap nun.


"Hi bestfriend!" Simula ko habang inaayos ang bouquet ng rosas sa ibabaw ng puntod niya.


"Kumusta ka na? Siguro ang saya saya mo na diyan." Nakangiti kong dugtong habang nakatitig sa litrato niya.


"Ay nga pala, ito oh!" Sabay taas ko sa diploma at mga parangal na nakuha ko.


"Para sa'yo yan lahat! Osige! Ikaw na grumaduate! Hahahaha!" Natatawang sabi ko habang inilalagay ko sa ibabaw ng puntod niya ang diploma at mga parangal ko. Pagkatapos ay natahimik ako bigla. Mayamaya pa ay nagsimula nang tumulo ang luha ko.


"Best, miss na kita. Miss na miss! Sobra!" Dugtong ko habang umiiyak.


"Pero dapat masaya tayo ngayon, kasi diba? Grumaduate ka na? Hahaha! Dami mo ngang parangal o!" Natatawa ulit na sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.


Mayamaya pa ay natahimik na naman ako. Nakangiti lang ako habang tinititigan ang picture ni Clara.


"I love you Clara. I love you bestfriend." Pagkaraan ay sabi ko sabay yuko para halikan ang litrato niya.



_THE END_

Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon