Chapter 7

2.8K 114 2
                                    

(A.N- POV po ito ng Mama ni Jane.)


Ilang minuto na din ang nakalipas simula nung umalis si Jane kasama si Rose para magpunta sa birthday at despedida party ni Jessy pero hindi pa din mawala wala sa dibdib ko ang kakaibang kaba na nararamdaman ko ngayon. Panay lang ang paglalakad ko ng pabalik balik sa sala para alisin itong nararamdaman ko pero parang palala pa ata ng palala ito. Parang may hindi magandang mangyayari.


Biglang nagbalik sa isip ko ang mukha ni Jane kanina bago umalis ang van na sinasakyan nila. Parang takot na takot ito habang nakatingin sa akin. Parang nakakita siya ng multo kanina base na din sa takot na nakarehistro sa mukha niya.


Bigla akong napatigil sa paglalakad dahil sa na-isip ko. Multo?


Agad kong natutop ang bibig ko nang maalala ang kaibigan ni Jane. Ang kaibigan niyang siya ang sinisisi dahil sa pagkamatay nito.


"Diyos ko! Si Clara!"


Agad kong kinuha ang telepono na nasa sala at agad kong hinanap sa libro ng mga telephone number ang numero ng adviser nila Jane na si Miss Sanchez. Agad naman na nagring ang kabilang linya at maya maya pa...


"Hello? Sino po sila?"


"Miss magandang gabi po. Mama po ito ni Jane."


"Yes po. Ano pong maitutulong ko sa inyo Ma'am?" Miss Sanchez


"Alam niyo ho ba kung san nakatira si Jessy?"


"Ah yes po. Sa Redwood Village po. Nasa Buenavista Subdivision po sila nakatira. Bakit po?"


"Ah sige. Salamat Miss." Pagkatapos kong ma-isulat sa kapirasong papel ang lugar kung saan nakatira si Jessy ay hindi na ako nagdalawang isip pa na lumabas ng bahay at pumara ng masasakyan.


"Saan po tayo Ma'am?"


"Sa Redwood Village. Sa may Buenavista Subdivision. Pakibilisan lang po Manong." Ang halos ma-utal utal kung sagot dahil sa takot at kaba.


'Diyos ko, alam kong nagkasala ang anak kong si Jane kay Clara pero hindi niya iyon sinasadya. Alam kong mahal na mahal ng anak ko si Clara pero hindi lang siguro niya alam ang dapat niyang gawin nun. Sana hindi pa ho sana huli ang lahat.' Taimtim kong pagdarasal habang haplos haplos ang nanlalamig kong mga kamay.


---


(A.N- POV ito ni Jane. Ang epal ko no? Sorry na! :D)


Nagising ako dahil sa kakaibang amoy na pumapasok sa ilong ko. Parang usok na may gasolina. Pinilit kong ibuka ang mga mata ko pero mahapdi ang mga ito kaya ipinilig ko na lamang ang ulo ko pero agad ko din iyong nasapo dahil sa sakit.

Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon