Dalawang araw na ang nakalipas simula noong mamatay si Clara. Nakaburol na siya ngayon sa bahay nila kaya napagpasyahan kong pumunta sa kanila.
"T-Tita, c-condolence p-po." Sabi ko sa Mommy ni Clara na nasa harap ng kabaong ni Clara at iyak ng iyak. Nanlilisik ang mga mata na tumingin ito sa akin.
"BAKIT HINDI MO NAGAWANG TULUNGAN ANG ANAK KO?! BAKIT HINDI MO SIYA TINULUNGAN JANE! PINABAYAAN MO SIYANG MAMATAY!" Umiiyak na sigaw nito habang mahigpit akong hinahawakan sa magkabilang balikat.
Agad naman na inilayo ng Daddy ni Clara si Tita Cassandra sakin.
"Cassandra, magpahinga ka muna." Sabi ng Daddy ni Clara habang inaalalayan si Tita Cassandra. Maya maya pa ay bigla nalang itong nahimatay kaya inakay nalang ito ng Daddy ni Clara at iniakyat sa kwarto.
Napatulo ang luha ko. Nagiguilty ako. Alam kong malaki ang kasalanan ko kung bakit nawala si Clara. Malaki. Malaking malaki.
Napasulyap ako sa kabaong ni Clara na hindi kalayuan sakin. Napahagulgol ako.
"Clara..." Ang tanging namutawi sa bibig ko habang naglalakad ako palapit sa kabaong niya. Kahit na nanghihina na ang tuhod ko pero nakaabot at nakahawak parin ako sa kabaong niya ng hindi natutumba.
Agad akong yumakap doon at nag-iiyak.
"B-Best, s-sorry...s-sorry." Umiiyak na hingi ko ng patawad habang nakayakap sa kabaong ni Clara.
"Sorry k-kung di k-kita nagawang t-tulungan. S-sorry kung naging d-duwag ako." Patuloy kong hagulgol habang nakayakap sa kabaong niya.
Gusto ko man siyang tignan pero di ko magawa. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ang bestfriend kong wala ng buhay at isa nalang malamig na bangkay. Hindi.
Ang naging kaagapay ko simula Grade 1 hanggang 4th year highschool, ngayon, wala na?
Di ko kaya.
"B-Best...B-Best s-sorry. S-sorry kasi wala a-akong nagawa!" Patuloy na sabi ko habang umiiyak at nakayakap parin sa kabaong niya. Inalalayan na ako ng mga lalakeng kaklase namin at pina-uupo pero nagpumiglas ako. Ayokong iwan ang bestfriend ko.
"B-Best..." Sabi ko na patuloy paring umiiyak habang nakayakap sa kabaong niya, Ayokong bitawan siya. Ayokong iwan siya.
"Best." Agad akong napatigil sa pag-iyak nang marinig ko ang boses na iyon. Nagsitaasan ang mga balahibo ko. Hindi ako nagkakamali. Boses iyon ni Clara! At tinatawag niya ako!
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para makita ang mukha niya sa loob ng kabaong pero napaatras ako sa nakita ko.
Si Clara...
Nakadilat ang kanyang mga mata na nakatingin saakin...
At...
Umaagos ang dugo galing sa noo niya!
"AAAAAH!"
*BLACK OUT*
---
Nagising ako sa malamig na bagay na dumadampi sa noo ko kaya napabalikwas ako ng bangon.
"SI CLARA!" Agad kong sigaw.
"NARINIG KO SIYA! TINATAWAG NIYA AKO! AT NAKITA KO SIYA! NAKADILAT AT NAKATINGIN SAKIN! BUHAY SIYA!" Naghihisterikal na sabi ko habang pinapakalma ako ng mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend [COMPLETED]
HorrorAng kaibigan mong siyang kaagapay mo sa araw araw. Ginagawa ang lahat sayo, lahat lahat. Pero nung kailangan ka niya, natulungan mo ba? Sa oras ng paniningil niya, may maibibigay ka ba?