Bonus Chapter: happy ending
Anais Point of View
I love myself, I learned to love myself deeply.
My emotions, flaws, and mistakes are now embraced by my soul. Ang gaan pala sa pakiramdam na gigising ka tuwing umaga na pinapahalagahan mo ang sarili mo?
Wala nang tinik sa dibdib, at mas lalong wala nang galit sa puso ko.
I am healed.
At sobrang sarap sa pakiramdam na alam mo sa sarili mong hilom ka na mula sa nakaraan, na sa tuwing inaalala mo iyong mga bagay na gusto mong ibaon, hindi ka na nasasaktan.
"Hey, eyes on me."
Bumalik ako sa huwisyo ng maramdam ang mainit na pagdapyos ng palad sa aking panga at dahan-dahang iniangat ito sa harapan ng lalaki kasalukuyang nakaupo sa dulo ng lamesa.
He made me look at him.
Nagtama ang mga mata namin at hindi ko mapigilang mapangisi nang sumalubong sa akin ang mala anghel na mukha nito. Makapal na kilay at mga labi, matangos na ilang at higit sa lahat, kayumangging nga mata na kumikislap sa tuwing ako ang tinititigan.
Ang gwapo ng boyfriend ko.
Sa akin lahat 'to?
Napangisi ulit ako sa sariling naiisip. Malamang, sa akin lahat 'yan.
"Lumulutang na naman ang isip mo, Anais."
Natawa ako at binawi ang panga na hawak-hawak niya. "Sumbong kita kay Kuya, malandi ka."
His eyes widened and the corner of his lips rose. Hindi siya makapaniwalang tinitigan ako. "Bakit naman kita lalandiin?" taas kilay niyang tanong.
Umirap ako. "Ang ganda ko ba naman," I joked.
"Ganda nga tangina."
At doon ako humalakhak kaya naman ay nakatikim ako ng pitik sa noo galing sa kaniya kaya natigil din, mahina lang naman yon, hindi ko mga ramdam.
"May exam ka pa bukas, mamaya na iyang landi."
Edi wow, letcheng pag-aaral 'to sagabal sa kalandian ko.
He noticed my sour face that's why he reached for my face again and he fixed the hair that was on my face, putting it behind my ears. "Mamaya, papalandi na ako sa 'yo."
The audacity of this man, I swear to God.
"Wow ha, pasensiya ka na Miss, kung ang landi ng girlfriend mo."
"Joke lang ih."
At bwesit na Azury na ito, akala mo binabae sa dami ng arte!
Nag-asaran pa kaming dalawa nang ilang minuto bago bumalik sa seryusong pag-aaral.
Alam mo naman buhay estudiyante, lalo na sa kolehiyo, ang mga highschool nagmamartsa na sa stage tapos kami magf-finals pa lang.
Buwan ng May pa lang ngayon ah, wala pa kaming finals tapos may nakikita pa akong sa June na raw ang balik klase. Kung totoo man iyan, edi pota ano'ng akala nila sa amin? Hayok na hayok mag-aral?
"Give me your laptop."
Napaismid ako sa offer ng kasintahan ko dahil kilala ko ang isang 'to.
Mas maarte pa siya kaysa sa akin.
"Kaya ko pa naman. Bitbit mo na kaya bag ko teh." sabi ko dahil halos magmukhang maglalayas siya sa dalawang bag na dala niya.
Kahit ang arte ni Azury, ang gwapo din ng isang ito. Buti pinatulan ko, ang ganda ko eh.
BINABASA MO ANG
The Killer's New Life
FantasyWhat will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation? The notorious killer is now having his new life as Dustine Anais Faramir, the only daughter of the...
