Rheya Fridge [POV]
Mga ilang minuto pa ang nakalipas bago ako bumalik mula sa pagkabigla, iniling ko muna ang ulo ko at kumatok sa office ni sir knight.
"S-sir? sa ca-canteen lang po ako sa baba babalik nalang po ako." hindi na ako pumasok , nagmamdali akong sumakay ng elevator ng tumango siya.
*Canteen*
"Pasensya nahuli ako." umupo ako sa tapat ni luther na ngayon ay nakayuko, tinignan ko siya ng mariin mababasa mo ang pagkabalisa at lungkot sa kniyang mata at mukha.
"Ok lang, ku-kumain na muna kaya tayo?" tumango at sabay kaming naglakad papunta sa counter, heto nanaman ang pakiramdaman na ito, kaya naman automatic na gumalaw ang mga mata ko papunta doon sa pinaka kusina nila at tama nga ako nandoon ang king rook na yun, umiiling lang ako habang pinikit ng mariin ang mga mata ko.
"You ok?." tumingin ako kay luther at ngumiti, bumalik kami sa pwesto namin walang gustong magsalita saming dalawa yung tipong piankikiramdaman namin kung sino ang unang magsasalita, kinuha ko ang baso at ininom ang tubig na nandoon.
"May sasabihin/Alam mo" sabay kaming nag sabi.
"Anong sasabihin mo?." tanong ko habang nilalaro ko ang patatas sa platito, naiilang ako yan ang nararamdaman ko dahil kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin nanaman saken ang lalaking yon, narinig kong huminga ng malalim si luther kaya naman napaangat ako ng tingin sakaniya, sapo ang noo na nakatingin sa kinakain niya.
"Aalis ako ng bansa rheya, Magpapagamot ako." sabi niyang hindi tumingin saken.
"May sakit ka?." hindi ko alam pero kusang gumargal ang boses ko, totoo nga ata ang sinasabi nila na kahit anong mga pasakit ang ginawa sayo ng taong mahal mo mananatili pa ding mahal mo siya, kasi ako? oo mahal ko pa din siya, inangat niya ang tingin niya at kinuha ang kamay kong nakahawak sa tinidor, dinala niya yon sa noo niya ang labas nakayuko siya sa likod ng kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa dalawa niyang kamay, tumango siya.
"Oo rheya, i have Mental illness pero matetreat pa naman kaya mamaya na ang alis namin, gusto ko man sayo magpatulong kesa kay rina alam kong aayawan mo ako, pero pag gumaling ba gumaling ako babalikan mo ba ako?." tumingin siya saken na may mga luha sa mga mata niya, napatigil ako parang nawala ang lahat ng sa paligid nung moment na sinabi niya ang salitang 'Mental illness' dahan-dahan kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya, dali-dali akong tumayo sa pwesto ko at lumapit sa kniya niyakap ko ang ulo niya at sinandal saken habang hinahagod ko ang likod niya.
"Oo-Oo luther hihintayin kita, kaya magpagaling ka ha?." tumango siya at pinagpatuloy nanamin ang kinakain namin, natapos kami at nauna na siyang lumabas dahil hindi daw sila pdeng mahuli sa flight nila papatayo na sana ako when suddenly someone grab me and drag me outside.
"What the hell? ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" piniglas ko ang braso ko na nakahawak sa kamay niya.
"Don't be stubborn!!." tinaas ko ang isang kilay ko sa kniya.
"Ano nanaman bang kelangan mo?!."
"You."
"What? are you insane?!." akmang tatalikod na ako ng higitin niya ulit ang braso ko, at sapilitan niyang hinarap sa kniya.
"Insane? hahaha! nope hindi pa naman rheya, pero dahil sa ASDFGHJKL mo wala kanang matatakasan." hindi ko narinig ang sinabi niya sa may parteng yun ng may dumaan na truck.
"What?! ano ba! bitiwan mo ako, may pasok pa ako!" binitawan niya ang braso sabay abot saken ng isang gold na maliit na sobre.
"We expecting you come." nagulat ako ng bigla niyang hinalikan ang noo, nanatiling nakatingin ako sa likod niyang papalayo saken, sino ba talaga ang lalaking yon? tinignan ko ang sobreng binigay niya saken at kinuha ang nasa loob.
BINABASA MO ANG
My Ex is Crazy Obsessed (✓)
General Fiction"Pagsisisihan mo ngayon Rheya na iniwan mo'ko, gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa'ken, sapilitan man o hindi, ibabalik kita sa'ken dahil sa akin ka lang! narinig mo? sa akin ka lang! you are mine, not your boss and not even yourself, your whole...