Long time no see ^O^// musta kayo? :D
*****
Rheya Fridge [POV]
Dali-dali akong tumakbo pababa ng makita kong wala na sa taas si sir, nakita ko siyang nakasandal sa may kotse habang naka-cross arm ang mga kamay braso niya, may nadaanan akong tao kanina na kumakain pero hindi ko namukhaan dahil nga nagmamadali ako.
"Do you know how to drive?" Umiiling ako, kahit oo marunong akong magmaneho. tss. mahirap na baka may makakita saken, oh? yung sasakyan ni Rina? nasa garahe yun.
"Hindi po sir eh."
"Then ako nalang." May isang ngiti ang gustong kumawala sa labi ko ng pagbuksan ako ng pinto ni sir knight.
"S-sige po, pasensiya na." nag-bow ako, at tuluyang pumasok pinanood ko siyang umikot at sumakay sa driver's seat.
Habang nasa biyahe kami, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan, inaalala ko yung naging party kagabi, yung pagharap ko sa tyron na yun ibang-iba nung naramdaman ko noong nasa eroplano ako, yung panaginip ko, tinignan ko yung isang kamay ni sir at nakita ko ulit yung maliit niyang tattoo sa may ibabaw ng thumbs niya. Iniisip ko kung saan ko ba nakita yung tattoong yon.
"Thinking something?" nagulat ako ng biglang magsalita si sir, pero tutok ang kniyang paningin sa daan, umiling ako sa kniya. Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at tumingin sa labas hindi ako pamilyar sa daan na tinatahak namin, bahala na mapagkakatiwalaan naman si sir eh.
"Sir? May tatanong po ako?" sabi ko habang nasa daan pa din ang tingin ko, kailangan ko ng itanong sa kniya ang tattoong iyon para sa ikaka-kalma ng isip ko, dahil sa totoo lang magmula noong naghiwalay kami ni luther, ang pagsulpot si shintaro, tyron at king rook, ang pagtira ko sa mansyon ni sir knight, mas lalo akong dinadalaw gabi-gabi ng panaginip na yun. Yung may isang lalaki ang humahabol sa akin na may gray na hood. at ang tatak na P.K.A.
Halos mahugot ang hininga ko ng maisip ko ang huling salita na sinabi ko P.K.A. Napatingin ako ulit sa kamay ni sir na may PKA ding nakalagay , wag mong sabihing-- tinignan ko si sir na ngayon ay nakangisi saken.
"Eeeeehh, you seems figure out something.. ." Huli na ng marealize kong isang malaking pagkakamali ang nagtiwala ako sa kniya, napaatras akong napapalunok sa kinauupuan ko.
"S-sir? ma-mali lang po ang iniisip ko hi-hindi po b-ba?" tinigil niya ang sasakyan sa may gilid, tumingin ako sa harap, pamilyar ang daan. Oo ito yung daan papunta doon sa weird na kainan.
Humarap saken si sir, mababasa mo ang pag-aalala sa mata niya, hinawakan niya ang isa kong kamay hihilahin ko na sana ng hawakan niya iyon ng mahigpit.
"Im sorry rheya." yumuko siya sa kamay ko, naramdaman ko ang isang malamig na butil sa kamay ko, umiiyak ba si sir?
"Pa-papatawarin ko po kayo s-sir, if you answer my question h-honestly." bigla kong hinila ng malakas ang kamay ko, nag susumiksik ako sa inuupuan ko, sabay yakap ko sa mga tuhod ko.
"Who are you, sir. Oo matagal na akong nagtatrabaho sa inyo pero ni minsan hindi kita natanong ng sino po ba talaga kayo?" Natigilan siya sa balak na pagpunas na kaniyang luha.
Huminga si muna si sir, bakit sir pa din ang tawag ko sa kniya? tanda lang ng pagalang kahit na ganon hindi sobra ang takot na nararamdaman ko.
"Im the one who admire you a lot, kilala na kita noon pang kolehiyo, rheya. I follow you everywhere, alam mo bang ang saya ko ng malaman kong ikaw sa kompanya ko magtatrabaho? Lahat ng nangyayari sa'yo rheya hindi yon panaginip, hindi ako yun pero ako ang may-ari ng jacket, ang mga nag tx ako din yun rheya."
BINABASA MO ANG
My Ex is Crazy Obsessed (✓)
General Fiction"Pagsisisihan mo ngayon Rheya na iniwan mo'ko, gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa'ken, sapilitan man o hindi, ibabalik kita sa'ken dahil sa akin ka lang! narinig mo? sa akin ka lang! you are mine, not your boss and not even yourself, your whole...