Rheya Fridge [POV]
Nagising ako kinabukasan na wala si Luther sa tabi ko, bumangon ako sakto namang natamaan ng mata ko ang side table, may pagkain doon na may maliit na notes.
'Breakfast For My queen, Aalis lang ako saglit babe pero babalik din ako before dinner, iloveyou'
Hindi ko alam pero napangiti nalang ako sa simpleng sulat sa note, Pumasok ako sa banyo ginawa ko lang ang mga rituals sa katawan, paglabas ko saktong tumunog ang cellphone ko. it's sir knight! Shet, nakalimutan kong may pasok nga pala ngayon sa company niya.
"S-sir, magandang umaga po." Bakit ba nauutal ako? dahil naalala ko ang pagsuntok sa kniya ni luther kagabi.
"I need you here in my house, right now!" Tinignan ko ang screen kung tama ba talaga ang pangalan na nakalagay sa may screen ko, Knight naman ang nakalagay, Magmula noong sinabi saken ni sir knight ang nararamdaman niya nagsimula akong mailang ng konti sa kaniya hindi ko na din magawa na tumingin ng daretcho sa mga mata niya dahil pag titingin ako sa kulay tsokolate niyang mata naalala ko ang pagsabi niya saken ng nararamdaman niya. "Hey, Rheya? You still there?"
Doon lang ako bumalik sa malalim na pa-iisip, huminga muna ako ng malalim bago ko binalik sa may tenga ko ang cellphone.
"Yes, sir bakit po?"
"You're Friend Rina Parker was here, na-hahotseat na siya sa mga kuya----" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya, ng pinatay ko na ang line, nagmamadali akong bumaba pero napatigil ako ng tinignan ko ang suot ko, jersey short at sando white, pwede na to. nagpara ako ng taxi at ilang minuto lang nakarating kami sa may tapat ng dambuhalang mansyon ni sir knight.
"Sir.. ." Pinagbuksan ako ng guard dahil kilala naman niya ako, tuloy-tuloy akong pumasok sa loob at nakita ko si Rina na nakaupo sa may mahabang sofa habang ang dalawang magkapatid naman niya ay palakad-lakad sa harap niya, tumingin ako kay sir knight na mababasa mo ang kawalang interest sa mata niya.
"Baby Babe, rheya!." Nagliwanag ang mata ni King rook ng makita ako, akmang yayakap siya saken ng lumihis ako ng direksyon at umupo sa tabi ni sir knight, oo umupo i use to be like this at wala naman yung malisya sa kniya.
"Anong Meron?" Tumingin ako sa babaeng nasa harapan ni rina, nagulat ako ng makita ko ang payat niya eh samantalang nung nauna sa kahapon ay ang chubby niya, napailing ako.
"Itong kaibigan mo, rheya natulog sa tabi ni knight tapos naka-panloob lang ng suot! My ghad!!" Tumingin ako kay rina na ngayon ay nakayuko.
"Is that true?" Tumango naman siya, Tumingin din ako kay sir knight na ngayon ay nakatingin na saken, kita ko ang pamumula ng pisngi niya at gilid ng labi ang mga sinuntok ni luther kahapon, tumayo ako at pumunta sa may banyo para kuhanin ang first-aid kit, nilinis ko ang sugat ni sir knight saka ko nilagyan ng oitnment para hindi magkapeklat ang sugat.
"Aww! dahan-dahan naman, kahit kahapon pa yan masakit pa din!" Hinipan ko ang bawat dampi ko ng alcohol sa pisngi niya.
"Now rina, talk how come na nauwi sa ganito?" Tanong ko kay rina ng matapos kong linisin ang sugat ni sir knight.
"Wala nga! ilan beses ko bang kelangan ulit-ulitin na wala nga!"
"Sa tingin mo ba maniniwala kami diyan?" Singit ng ate ni sir knight.
"Sigurado ka ba?" Tanong ko ulit.
"Ok listen walang nangyari sa amin ni rina, if meron man handa ko naman siyang panagutan pero wala eh." Hindi ko alam pero dinig ko sa boses ni sir knight ang dismayado, or im just mishearing something? Dismayado?
BINABASA MO ANG
My Ex is Crazy Obsessed (✓)
General Fiction"Pagsisisihan mo ngayon Rheya na iniwan mo'ko, gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa'ken, sapilitan man o hindi, ibabalik kita sa'ken dahil sa akin ka lang! narinig mo? sa akin ka lang! you are mine, not your boss and not even yourself, your whole...