EVERYTIME

21 0 0
                                    

i"ve heard humor and mischief about Jorge inside the campus, Monson Eastern University. But whatever it is, i don't care, only God knows how I like this girl.

Pero si Karl ang gusto ni Jorge, ang athlete figure ng M E U. I wanted to do something special for her, at natupad ko iyon nang makiusap ako kay Karl na ako ang magiging first dance ni Jorge. Kahit na isa si Karl sa mga bumugbog sa akin nang minsang sugurin akoh ng Fraternity na kinabibilangan niya.

How could i tell her that everytime i woke up in the morning. i want to see her next to my pillow for the rest of my life?

Kapag hindi pa niya ito nalaman, i would go crazy....

hi readers... yan ang ibang linya na nakapaloob sa aking kwento... sana magustuhan niyo ang inihandog ko kwento.. :) palike na lng po kung nagustuhan niyo.. thank you..

chapter1

It was a beautiful day for a road trip, ngunit para kay Jorge at tamang sabihing a boring trip. Dahil habang lulan siya ng Black Mitsubishi Eclipse na minamaneho ni Rex ay may kung anung naglalaro sa isipan niya. iyon ay ang mga plano niyang gawin kapag nakarating na sila ni Rex sa kanilang school, sa Monson Eastern University.

Kaya naman hindi na niya naririnig ang mga sinasabi ni Rex na may ilang minuto na siyang kinakausap. Galit na ito sa hindi niya pagsagot. Natauhan lng si Jorge ng biglang pagpreno ni Rex. Muntik ng mapasubsob ang kanyang mukha sa dash board ng kotse.

Galit na galit na nilingon niya sa tabi si Rex.

"Ano ba!" sigaw niya.

"Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang wala akong kasama!" ganting sigaw ni Rex.

"You look like a limb, did aliens took about your brain or something?" at muling pinatakbo ni Rex ang kotse. (limb means a part of a tree or a branch of a tree.)

Sumimangot si Jorge. "May iniisip lang ako." inis niyang sagot.

"Ganoon ba kaimportante ang iniisip moh? Sorry ha, nakaistorbo yata ako." sarkastikong wika ni Rex. Saglit pa nitong inismiran ang katabi.

"Ano bang sinasabi mo kanina?" pasigaw pa ring wika ni Jorge.

"Ang sabi ko, ibaba mo ang windshield sa side mo."

Pinanlakihan ni Jorge ng mga mata si Rex. "Bakit?"

"Papatayin ko ang air conditioned dahil baka mag-over heat, wala akong pambayad sa pagpapagawa."

"Akala ko ba marami kang pera?"

Ilang sigundong hindi nakasagot si Rex. At nang nagsalita ay malumanay na ang tinig nito. "Kinansel muna ng Mommy ko ang pagpapadala ng allowance ko for two months."

Pinagtawanan ito ni Jorge.

"So what's funny?" naiiritang tanong ni Rex. "Papaano ngayon iyan?" pasinghal na tanong ni Jorge habang ibinababa ang windshield. "Wala ka nang pambayad sa mga estudyante para bilhin ang kanilang boto, para ikaw ang manalo bilang presidente ng campus natin." umiling-iling pa si Jorge.

"Huwag mo akong itutulad kay Karl ha."pinanlisikan ni Rex ng mga mata si Jorge nang lingunin ito. "Binayaran ang buong staff ng Sports Department para lang siya ang maging representative ng school natin sa regional Athletic Competitions sa Cebu."

"Inggit ka lang dahil deserving talaga si Karl sa Olympic games na iyon." pagtatanggol ni jorge sa schoolmate nila. "Nakita mo naman, bumalik siyang dala ang Gold Medal. At saka puwede ba, huwag mong idadamay si Karl sa pinag-uusapan natin."

EVERYTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon