Chapter 2

8 0 0
                                    

Nang bumaba sila ng gusali ay dinala ni jorge ang mga kaibigan sa isang passway na halos nasa harap lang ng Engineering building. Doon niya madalas makita sa Karl na dumadaan pagkatapos ng isang subject. Madalas itong naglalakad mag-isa dahil patungo naman ito sa sports building para sa kanyang regular series of practice sa larong tennis at swimming, dala ang athletic outfits.

Kabisado ni Jorge ang oras ng paglabas ni Karl. At bago dumating ang oras na iyon, kailangang naka-prepare na ang mga gagawin ni Jorge para siya kausapin ni Karl. By this time, tinitiyak niyang kakausapin na siya ni Karl. Sawang-sawa na kasi siya sa kakaiwas nito sa kanya.

May dalawang puno sa daan, at sa gitna niyon dadaan si Karl. Sinadya talaga ni Jorge magdala ng pisi. itinali niya ang magkabilang dulo niyon sa dalawang puno.

"Tingnan ko lang kung hindi pa niya ako harapin." pagmamalaki ni Jorge. "Kapag sumabit sa kanyang tuhod ang tali na ito."

"Jorge, kawawa naman si Karl." ani ni Meanne. "Kahapon lang ay nag-away kayo dahil ipinagsigawan mong he's a coward dahil hindi ka niya mahalikan in Public."

"And poor Karl, falling from her trap." sabi naman ni Carol.

"Siya kasi, kinain ko na ngang lahat ng pride ko, nagpapakaflirt na nga ako, hindi pa ako patulan. Ipinanganak yatang bato ang lalaking iyon.

"Oo nga namna." sabat uli ni Meanne. "Sayang lang ang iyong pagiging campus figure kung hindi ka niya mapapansin. Siya na lang yata ang lalaking hindi pumipila sa panliligaw sa iyo dito sa campus."

"E kung tigilan mo na kaya ang pagpapaka-flirt mo, baka sakaling mapansin ka niya." saan naman ni Carol.

Pinanlakihan ni Jorge ng mga mata si Carol. "Gaga, para mo na rin sinabingmagpakamatay na ako."

Narinig na lang nila bigla ang malakas na pagtawa ni Meanne. Sabay sila napalingon rito.

"Bakit ka tumatawa?" madilim ang mukha ni Jorge.

"E kasi paparating na si Karl." nakatawa pa ring sagot ni Meanne.

Gustong batukan ni Jorge ang kaibigan "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?"

"May kasama kasi si Karl, baka lahat sila ay madapa sa trap mo."

Tumanaw si Jorge sa may di kalayuan. "Imposible, humihiwalay si Karl sa mga kaklase niya at mag-isa siyang dumadaan dito patungo sa sports building."

"Are you sure?" ani ni Carol.

Muling tumanaw si Jorge. Tama si Meanne, may mga kasama si Karl at tila wala itong planong humiwalay at iisa ang knailang direksyon, patungo sa kinaroroonan nila.

"I'm sure, makikipaglaro sila kay Karl ng tennis." halos bumulong si Carol sa tainga niya.

"At sabay-sabay silang patungo sa sports building." dugtong naman ni Meanne.

Hinawakan bigla ni Jorge sa braso ang mga kaibigan. Hinila niya ang mga ito sa isang malaking puno upang magtago. Tinitiyak niyang hindi sila makikita ni Karl.

Habang naglalakad ay abala si Karl sa pakikipag-usap sa mga kasama nito, may sukbit na bag sa likod. Nahuhuli ito, dahil may apat na nauuna sa kanya na pawang mga kasama rin nito, at tatlo naman sa likod.

Maingay sila habang nasa daan, kung kaya hindi na nila napansin ang pisi. Sabay-sabay na napalugmok sa lupa ang apat na kasama ni Karl. Ngunit mabilis namang nakatayo ang mga ito. Galit na galit.

"Sino ang may mga kagagawan nito?"

Sigaw ng isang kasamahan ni Karl na si Garry.

Narinig nila ang malakas na tawanan ng magkakaibigang Jorge, Meanne at Carol. Saka lang sila lumabas mula sa pinagkukublihan nila. Naunang lumapit si Jorge sa mga lalaki.

EVERYTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon