Chapter 8

1 0 0
                                    

According to Dr. Chard, emotionally shock lang daw ang nangyari kay Jorge. Maaaring may kinatakutan ito or ikinagulat na nagpawala ng kanyang malay. Pero walang sakit si Jorge, kinahapunan ay maaari rin siyang umuwi.


Nasilaw si Jorge sa matinding liwanang ng ilaw nang magbukas siya ng mga mata. Muli siyang napapapikit at muling nagmulat. Mukha na ni Rex ang kanyang nakita. Ang tamis ng ngiti nito habang nakatayo sa gilid ng kamang hinihigaan niya. Agad siyang nakalanghap ng masang-sang na amoy ng gamot kaya madali niyang nahulaan na nasa loob siya ng isang silid sa ospital.

Nagpalinga-linga siya, walang ibang tao sa paligid niya maliban kay Rex.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"  puno ng pag-aalala ngunit puno rin ng lambing ang tinig ni Rex, wala nang galit na nababanaag sa mukha.

Napatitig si Jorge sa mukha ng lalaki. Kahit wala pa siyang lakas sa loob ng kanyang katawan, naramdaman na niya ang galit kay Rex. At naramdaman rin niya ang sunod-sunod na pagpatak ng luha niya.

"Im sorry Jorge."  nasa tinig ni Rex ang pakiusap, his voice almost in a whisper. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa iyong masama."

"Bakit mo pa ako dinala dito?" puno ng sumbat at hinanakit ang tinig ni Jorge. "Im a whore diba? Yan ang tingin mo sa akin at madalas mong marinig sa school, and im not fit for your help."

"Jorge please, don't make it hard for me." punong-puno ng pakumbaba ang tinig ni Rex, ng loneliness at ng regrets.

"Hard? Do i made things hard for you Rex? Then sana pinabayaan mo na lang ako. I admit, kasalanan ko ang lahat, pero hindi pa rin iyon sapat para laitin mo ang bo kong pagkatao. You never know how much i hurt and how much you've hurt me."

Hindi makapagsalita si Rex, inalayo ang paningin, waring gustong lumuha ng mga mata.

"Hindi mo rin alam, habang hinuhusgahan mo ang pagkatao ko ay parang unti-unti mo na rin akong pinapatay. Totoo nga sigurong baliw ako, nagpapakatanga kay Karl na katulad mo ring marumi ang tingin sa akin. Akala mo ba madali rin ito para sa akin? Hindi ko rin ginustong mapalayo sa akin ang Mommy at Daddy ko. Pero isa lang ang gusto kong mangyari, that i must live my own life, my own choice, my own mind, and my own decision." sunod-sunod ang paghagulgol ni Jorge.

Tumindi ang guilty na nararamdaman ni Rex.  "Kung hindi mo ako mapapatawad, hindi kita masisisi. Pero hinihiling ko lang sa iyo, sana ay hindi muna makarating kay Tita Rita ang nangyari sa kotse. Hindi niya alam na narito ka, ipaubaya mo na lang sa akin ang lahat." halos pabulong na sinabi ni Rex. Unti-unti itong tumalikod palayo kay Joorge.

Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang paglakas ng hagulgol ni Jorge. She have to admit, na talagang kasalanan niya. Ngunit gusto niyang sisihin si Karl. Bakit nga ba masadong mahal sa kanya ang lalaking iyon na sa kabila ng panlalait nito sa kanya, na halos isuka siya sa tuwing magkikita sila. Ganoon nga siguro ang pag-ibig, lahat ay tatanggapin, lahat ay titiisin at lahat ay gagawin.

Katulad nga sa mga naririnig niya, mula sa bibig ng mga victims of love, ika nga ang love na sinasabi nila ay nakakamamatay, pumapatay at nagpapahamak. At kabilang siya sa mga biktima nito. Nadamay lang naman si Rex na walang ginagawa kundi pag-ingatan siya at protektahan.

Ilang araw na ang lumipas, hindi na nagpakita si Rex kay Jorge mula nang lumabas siya ng ospital. Sarado lahat ng bintana at pinto sa bahay nito, at tila wala rin ang katulong nito. Napakalungkot ng paligid. Hindi na rin yata siya sinisilip ni Rex sa gabi, pakiramdam niya ay wala nang nagbabantay sa kanya.

Hindi naman niya magawang magtanong sa Tita Rita niya dahil abala ito sa pag-aasikaso sa nalalapit niyang kaarawan at kung magtatanong naman siya dito kung bakit hindi niya nakikita si Rex, baka isipin naman nito na nag-away sila or nagkatampuhan sila bagay na totoo namna.

EVERYTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon