Chapter 7

4 0 0
                                    

Alas onse ng gabi, pants at t-shirt lang ang isinuot ni Jorge. Medyo malamig ang gabi kaya kailangan niyang magdala ng jacket. Ito na ang oras na pinakahihintay niya, ang pagtutuos nila ni Karl.

Alam niyang nahihimbing na sa pagtulog si Rex sa kabilang bahay, kaya malaya siyang makakalabas. Magising man ito at i-check siya sa kanyang kwarto ay wala na siya, hindi na niya masasaksihan ang galit ni Rex. Mabuti na langbat madali siyang nakapagtanim ng kasinungalingan. Kung hindi niya ginawa iyon, wala siyang gagamitin s pagtutuos nila ni Karl.

Bahala ba bukas. Sabi niya sa isip. Kunwari ay aalis siya ng maaga para mapatunayan niya kay Rex na may group study talaga sila. Basta para kay Karl, gagawin niya ang lahat. Sukdulang makapagsinungaling siya.

Walang kabang napatakbo ni Jorge ang kotse ng kanyang kuya Aivan, patingo sa lugar na nakapagkasunduan nila ni Karl. Mabuti na lang sanay siyang magmaneho kahit sa kabila niyon ay hindi siya pinagkakatiwalaan ni Rex sa pagmamaneho.

Halos wala na siyang nakasalubong na kahit na anong klaseng sasakyan sa daan, kaya wala pang alas dose ng hatinggabi ay nakarating na si Jorge sa harap ng malaking gate ng Monson Eastern University. Naroon na si Karl at mga barkada nito. Wala namang sisita sa kanila doon dahil medyo nasa labas na ng pinakalungsod ng Monson ang malaking unibersidad.

Top down ang dala ni Karl. Huminto si Jorge sa mismong tapat ng kotse nito. Madilim sa lugar na iyon ngunit lumiwanag dulot ng mga ilaw ng kanilang mga sasakyan.

Pero ang nagpagulat kay Jorge ay ang babaeng kasama ni Karl. Kapwa sila nakaupo sa hood at mahigpit ang pagkakayakap ni Karl sa babae na walang iba kundi si Rose. Selos na selos siya sa tagpo na iyon ngunit pigil niya ang sarili.

"Jorge, kanina ka pa namin hinihintay." nang lumabas si Jorge mula sa kotse ay narinig niya ang tinig ni Carol. Agad itong lumapit sa kanya, at laking gulat pa niya nang makitang kasunod ni Carol si Meanne.

"Narito ka rin?"

"Tinawag ko siya." salo agad ni Carol.

"Ang lagay e kayo lang." napasimangot si Meanne.

Narinig nila ang hiyawan ng mga barkada ni Karl, isinisigaw ang mga pangalan nila ni Karl. Hanggang sa mapuna nila ang paglapi sa kanila ni Karl, kasunod ang girlfriend nito.

"So, is his your parent's car?" sarkastikong tanong nito.

"Nope." maagap na sagot ni Jorge. "It's all mine." pagsisinungaling niya. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihing hiram lang niya ang kotse sa Mayor ng kanilang lungsod.

Napangisi si Karl. "Bakit ngayon ko lang yata ito nakita? Hindi ba't kotse ni Rex ang gamit ninyo sa school?" Lihim na napangiti si Jorge. At least napapansin rin pala ni Karl ang kanyang pagpasok hanggang sa kotseng ginagamit nila ni Rex. "Wala ka nang pakialam, at ano pa ba ang gagamitin namin e winasak mo ang kotse ni Rex." napangisi ulit si Karl. "Are you sure na ito ang itatapat mo sa aking convertible Porsche?"

Napakayabang ni Karl. Kung hindi lang masyadong mahal sa kanya ang lalaking ito, baka kanina pa ito naumbagan ni Jorge ng suntok sa ilong.

Nagpalakad-lakad si Karl sa paligid ng kotse ni Jorge. Waring sinusuring mabuti ang bawat sulok nito. "Ummnn, Mazda Familia, '97 model." sabi nito sabay pukpok ng isang kamay sa ibabaw ng hood.

"Papaano mo nalaman?"

"Ako pa, expert yata ito sa lahat ng brand at model ng kotse." puno ng pagmamalaking sagot ni Karl. "Wala ka bang '99 model o kahit '98 lang?"

Hinsi na lang pinatulan ni Jorge ang kayabangan ng lalaki. Ngunit napansin niya ang bahagya pang paglapit sa kanya ni Rose.

"Talaga palang lahat ay gagawin mo para lang makuha mo itong si Karl ko." sabi nito sabay lapit uli kay Karl, at sabay ring inilagay ang isang braso sa likod ng lalaki a isang kamay ay nagtungo sa tapat ng dibdib ni Karl. "Ngayon palang ay sinasabi ko sa sa iyo na kahit manalo ka sa racing na ito ay hindi mo pa rin makukuha sa akin itong love ko." binigyan pa ni Rose ng lambing ang salitang love na lalong nagpapainis kay Jorge.

EVERYTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon