Chapter 6

6 0 0
                                    

Pagkatapos nilang mag-usap ng kanyang Tita ay nagtuloy na si Jorge sa school. Papaakyat sa Science building nang makasalubong niya si Carol.

"Kanina ka pa namin hinihintay, late ka na naman." pagbungad ni Carol. "Aabangan na nga lang sana kita dito sa labas."

"Nasaan si Meanne?" tanong ni Jorge.

"Iniwan ko sa itaas, abala sa kanyang pagbabasa ng Encyclopedia of stars and moon."

"Sa rooftop?"

"Sa third floor."

Nkalimutan ni Jorge, nasa third floor nga pla ang kanilang science library at laging laman niyon si Meanne.

"Halika na." biglang inabot ni Carol ang isang kamay ni Jorge. "Puntahan na natin si Meanne, baka mahipan ng hangin iyon, mahirap magkaroon ng siraulong kaibigan."

"Wait." pagpipigil ni Jorge. "Hayaan mo na lang siya roon."

Napatitig si Carol sa mukha ng kaibigan. Parang may kung anong nabasa ito, lalo na nang mapangiti ang mga labi ni Jorge.

"Ano na naman ang binabalak mo?"

"Carol, hindi ka na nasanay sa akin, before na magsimula ang klase natin kay Miss Naval, kailangang nakagawa na ako ng hakbang para magkita uli kami ni Karl."

"Wala ka pa ring kaddala-dala, talaga." napailing si Carol. "Kung nakakamatay lang ang mga mura sa iyo ni Karl sa tuwing magkikita kayo, siguro matagal ka nang inilibing."

Napasimangot si Jorge. Pero wala siyang dapat ikainis kay Carol dahil totoo ang sinabi nito. Kulang na nga lang ay magdala ng baril si Karl para barilin siya kapag nagkita uli sila. Pero hindi siya ang tipong susuko, wala sa bukabularyo niya ang tigilan si Karl.

"Jorge, kailan mo ba lulubayansi Karl?" tanong ni Carol. Ngayon ay naglalakad na sila sa labas ng gusali. "May Rose na siya, and i think they were all cuddly and snugly with each other."

Napaismid si Jorge. "How can you say that? Nakalimutan mo na ba ang mga nasaksihan natin kagabi sa kanya? Nambababae si Karl."

"Hindi naman niya girlfriend iyon eh, sa hitsura pa lang ng babaeng iyon parang pinulot lang ni Karl sa kung saan."

Ngumiti si Jorge. "Pero alam kaya ni Rose na nagdadala ng babae si Karl sa kanyang kuwarto?" tila may kung anong naglalaro sa isipan ni Jorge.

Napailing si Carol. "No, don't do that, Jorge." nahulaan nito ang nasa isip ng kaibigan. "Tama na yung nagpapaka-flirt ka kay Karl, pero ang sirain ang relasyon niya with rose, mukhang lumalampas ka na. Bakit hindi ka na lang maghintay ng tamang panahon? Who knows baka magkahiwalay rin sila ni Rose, so may chance ka na."

Tumawa si Jorge. "Is that your professional psychological opinion?" pagbibiro niya, ngunit bigla ring sumeryoso. "Carol,ito lang ang alam kong paraan para mapansin ako lagi ni Karl."

"Jorge, there are better ways, para magustuhan ka ni Karl. Of course you have to stop playing games if you want him to take you seriously, and stop trying to trick into liking you, dahil kung magugustuhan ka niya talaga, susunggaban ka na lang niyon dahil maganda ka, katunayan nga napakaraming nagkakagusto sa iyo, and lastly, you'll have to change your style a little."

Nagdilim ang mukha ni Jorge. Nakaramdam siya ng inis sa kaibigan.

"What's wrong with my style? Ganito talaga ako simula pa nang bata ako. And please, Carol, alam mo bang sinermunan na ako ni Rex kanina sa bahay! Pati ba naman ikaw?"

Carol sucked a big breath. "Jorge, i'm just reminding you before you'll gone to the extent."

"Tigilan mo nga muna ako, please!" bigla ang pagbilis ng paglalakad ni Jorge. Kasunod si Carol.

EVERYTIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon