Ginabi sa daan si Karl. Papauwi na ito dala ang sariling kotse. Pagkatapos nitong mag-ensayo sa tennis ay may pinuntahan pa silang magkakabarkada, kaya gabi na rin nang maghiwa-hiwalay sila.
May sound trip pa ito habang nagmamaneho at sinasabayan pa ng pagyugyog ng ulo. May ilang minuto na lang ay makakarating na ito sa bahay, nang biglang may dalawang kotseng humarang bigla sa kanyang daraanan. Mabilis na nag-preno si Karl, kinabig ang sasakyan sa tabi. Hindi nito pinatay ang ilaw upang makita ang mga humarang na iyon. Galit na lumabas at buong bangis na lumapit sa isang sasakyan. Hindi rin nagpatay ng ilaw ang mga ito, kaya lumiwanag sa paligid nila.
Sabay-sabay na nagsibukas ang mga pinto ng dalawang sasakyan. Isa-isang lumabas ang mga sakay nito. Namutla ang mukha ni Karl. Tila naging drm ang dibdib sa matinding pagkabog. Kilala nito ang mga taong iyon, miyembro ng kalaban ng kanilang fraternity. Ibig bumalik ni Karl sa kotse ngunit napansin nito ang isa pang lalaking huling lumabas mula sa isang kotse, si Rex.
Agad itong lumapit kay Karl.
"Huwag kang kabahan, Pare, hindi namin gagawin sa iyo ang ginawa mo sa akin nang mapag-isa ako. At lalong hindi namin sisirain ang kotse mo, dahil hindi kami katulad nyo."
"Anong kailangan nyo sa akin?" medyo nanginginig ang boses ni Karl sa unang buka ng bibig. Panay ang sulyap sa mga nakaabang kasamahan ni Rex.
"Simple lang pare para kay Jorge."
Bahagyang napangisi si Karl. "Kung ang iniisip nyo na ako ang dahilan ng pagsabog sa kotse niya, nagkakamali kayo, kasalanan niya iyon."
"Labanan mo ba naman sa karera, anong laban sa iyo ng isang babae."
"Pinagbigyan ko lang siya, i just want her to get the hell out of my life."
"Sinamantala mo pa rin ang kahinaan niya, katulad sa ginawa nyo sa akin, nag-iisa lang ako, marami kayo, anong laban ko?" pormal na pagsasalita ni Rex, napakahinahon ng tinig.
Pero nagliliyab ang mga mata ni Karl. Parang hindi man lang nag-aalala sa mga kasama ni Rex na waring hinihintay lang ang pagsenyas nito.
"Pwede bang sabihin mo na, what the hell you want from me?"
Nagpalakad-lakad si Rex sa harapan ni Karl. "I want you to be Jorge first dance sa kanyang debut party."
"Bugbugin nyo na lang ako. You know i hate that girl, she's flirt, she's everywhere and she hung out with different guys."
Naitiklop ni Rex ang isang kamao. Hindi niya gusto ang mga lumalabas sa bibig ni Karl, baka hindi siya makapagpigil ay bumagsak na lang bigla ang Karl na ito sa kalsada.
Huminto si Rex sa mismong harapan ni Karl, "Magbaback-out ako sa ating student council para ikaw ang manalo bilang presidente ng MEU, at ibababa ko ang lahat ng grades ko para ikaw ang maging top one sa batch natin."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Karl, "Are you out of your mind? Gagawin mo iyon para lang sa kanya?" hindi ito makapaniwala.
"Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong ikaw lang ang makapagpapasaya sa kanya sa party niya, hindi ba't iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya nakipagkarera sa iyo?"
Ang totoo, matagal nang worried si Karl para sa napapalapit na election sa kanilang student council, dahil batid nitong mas malakas ang hatak ni Rex sa mga estudyante ng MEU. At madalas pang nasa top one pa si Rex. Dahil sa matinding inggit kaya nagawa nilang bugbugin si Rex. Pero ito na ang pinakahihintay ni Karl, ang pagba-back out ni Rex.
"Kailan ang party?"
"Next week, you have to be there at seven sharp."
"Usapang lalaki ito Rex, darating ako."