Madilim na nang dumating si Jorge sa bahay ni Carol. Tiniyak pa niyang nagpapahinga na si Rex bago siya umalis. Aaminin niyang medyo nakatulong sa kanya ang pangyayari kay Rex. Madali niya itong natatakasan, madali din siyang nakakalabas ng bahay. Mula nang lumabas ng ospital si Rex madalas na itong nagkukulong sa bahay at maagang natutulog. Iyon ay dahil sa relax discipline na bilin ng duktor. Pero alam ni Jorge na kapag gumaling na si Rex ay balik istrikto ito sa kanya.
" Ang tagal mo naman." bungad sa kanya ni Carol.
" Binola ko pa kasi si Rex at pinakain sa labas."
" I guess, tumakas ka na naman." nagtungo si Carol sa kusina.
Sumunod si Carol. "Gaga, kailan ba ako nagpaalam sa lalaking iyon?
"E paano kung hanapin ka?" kasalukuyang naghahanda ng kanilang makakain si Carol.
"Wala na siyang magagawa, at saka alam niya talagang nawawala ako pagsapit ng gabi."
"Ikaw rin, baka hindi mo alam na nakikipag-communicate pala si Rex sa parents mo sa New York, at isinusumbong ang pinaggagawa mo by details."
Napailing si Jorge. "Hindi niya magagawa iyon dahil sasabihin ko rin sa parents niya ang kanyang pagiging active sa Fraternity."
Pero deep inside, natatakot rin si Jorge na baka nga ibisto siya ni Rex sa Mommy at Daddy niya kapag napuno ito sa kanya. Kaya nga kahit labag sa kanyang kalooban ay pinakikisamahan niyang mabuti si Rex, sa kabila ng madalas nilang pagtatalo.
Dinala siya ni Carol sa second floor ng bahay nang matapos ito sa ginagawa. Dala ang mga pagakaing inihanda at juice. Naroon ang malaking kuwarto ni Carol at ng parents nito.
Ngunit isa pang mataas na hagdan ang inakyat nila, patungo na iyon sa atik. Maluwag ang bahaging iyon, waring ginawang study room ni Carol dahil sa mga librong nakasalansan sa dalawang shelve, at isang study table, bukod pa sa isang set ng computer na nasa isang sulok lang ng silid.
Pero laking gulat ni Jorge nang matagpuan duon si Meanne. Dala ang mga equipment nito sa astrology at iba't ibang kamera na nakaposisyon na sa isang makipot na bintana at nakatutok sa itaas.
"Nandito ka rin?"
Ang alam kasi ni Jorge ay silang dalawa lang ni Carol ang magkikita.
"Hindi naman yata ako makakapayag na kayong dalawa lang ni Carol ang magkikita ngayong gabi." nameywang si Meanne sabay taas ng makapal na salamain sa mata.
"Tinawagan ko kasi siya, Jorge, para kumpleto ang barkada." sabad naman ni Carol.
"At ano naman ang gagawin mo dito? Diba't priority mo ang astrology at kung anu-ano pang mga makikita mo sa Galaxy?" kay Meanne pa rin nakatutok ang mga mata ni Jorge.
"Puwede rin namang dito ko pag-aralan ang galaxy, marami rin akong makikita from here, at saka alam na ng Daddy ko na dito ako matutulog."
Malaya rin naman kasi silang makakakilos doon dahil wala ang mga parents ni Carol. Abala sa mga out of town seminars.
Pero laking pasalamat pa rin ni Jorge dahil dala rin pala ni Meanne ang kanyang Mini space telescope. Maaari niyang gamitin iyon kapag hindi siya nasiyahan sa dala niyang kamera na hiram rin niya kay Meanne.
May kataasan rin ang bahay ni Karl. Isang bakanteng lupa ang nasa gitna ng mga bahay nila ni Carol. Eksakto naman na ang isang bintana ng kuwarto ni Karl ay nakaharap sa bahay ni Carol. Kaya lang sa pagkakataong iyon ay nakasara ang salaming bintanan ng kuwarto nito at nakababa ang blinds. Iyon ay dahil sa fully air conditioning ang buong kuwarto si Karl bago matulog. Kung minsan ay nagtatambay pa ito sa terace.