Malakas na katok ang gumising kay Rex kinaumagahan. Pinilit niyang pagbuksan ng pinto ang kumakatok na iyon kahit mabigat ang kanyang ulo. Ang nag-iisa niyang katulong na si Emma ang bumungad sa kanya.
"Sinyorito, may bisita ho kayo." wika nito na halatang nagmula pa sa kusina.
"Sino?" kinusot-kusot ni Rex ang mga mata dahil medyo nanlalabo pa ang kanyang mata dahil medyo nanlalabo pa ang kanyang paningin. Nagtataka siya dahil wala siyang expected na bisita ng ganito kaaga, maliban sa mga kaibigan o kaklase na medyo matagal na siyang hindi nakikita mula nang may mangyari sa kanya.
"Si Mayora ho." sagot ni Emma.
Nandilat bigla ang mga mata ni Rex. nagmadali siyang nagpalit ng damit matapos maghilamos ng mukha. Kahit balot pa ng bandage ang kaliwang braso ay halos lundagin niya ang mataas na hagdan upang makarating agad sa salas kung saan naghihintay ang kanyang Tita Rita, ang mabait na mayor ng kanilang bayan.
Nadatnan niyang nakaupo sa mahabang sofa ang Mayora, kumunot ang noo niyon nang makita si Rex.
"Good morning ho, tita." buong galang niyang bungad sa Mayora, nameywang. Medyo may eded na rin ito ngunit hindi halata sa pangangatawan, halatang palaayos sa sarili at waring hindi ito makapapayag na tubuan ng wringkles sa mukha.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari sa iyo sa school?"
Biglang kinabahan si Rex, ito na ang kanyang kinatatakutan.
"Tita, kasi ho..."
"Kung hindi pa kami nagkita ni Dr. Will ay hindi ko malalaman."
Nakalimutan ni Rex, close friend nga pla ng kanyang Tita Rita si Dr. Will na nagagamot sa kanya.
"Tita, kasi ho, ayoko na hong makaabala sa inyo, alam ko ho kasing abala kayo sa Munisipyo at saka ayoko hong malaman ito ng Mommy at daddy."
"Iho." lumambing bigla ang boses ng kanyang Tita Rita na para bang naririnig ni Rex ang kanyang sariling ina, "Ibinilin ka sa akin ng Mommy at Daddymo, pati na rin si Jorge. Kahit na busy ako sa munisipyo, tungkulin ko pa ring i-monitor kayong dalawa. Hindi naman kayo naiba sa akin eh, parang mga anak ko na rin kayo."
Hindi na naupo ang Mayora. Naglakad ito patungo sa labas ng bahay. Sinundan ito ni Rex.
"Marami ka pang dapat ipaliwanag sa akin, nasaan ang kotse mo?"
Nakita ni Rex ang tatlong tauhan ng Mayora sa harap ng gate. Inaabangan ang paglabas ng Tita Rita niya, nasa likod ng mga ito ang service ban ng Mayora.
"E dinala ho namin ni Jorge sa talyer."
"Isa pa ang Jorge na iyan, kagagaling ko lang sa bahay nila, pero parang walang tao doon." tumanaw ang Tita Rita niya sa mataas na bahay ni Jorge. "Saan ba natulog ang babaeng iyon? Katatawag lang sa akin ng Mommy niya, kagabi pa raw sila tumatawag sa bahay nila pero walang sumasagot. mukhang pinababayaan mo na si Jorge, Rex, at saka bakit parang hindi ko na nakikita ang kanyang Yaya?"
Hindi makapagsalita si Rex. Papaano niya maipapaliwanag sa kanyang Tita Rita ang madalas na paglabas ni Jorge sa gabi at umaga na kung umuwi? At papaano rin niya sasabihin dito na wala na ang Nanny ni Jorge kaya walang sumasagot sa telepono? baka isipin tuloy ng Tita Rita niya na kunsintidor siya kay Jorge, batid rin kasi nito na isa rin siya sa napagbilinan ng parents ni Jorge na pangalagaan ang kababata.
"Papaano ngayon iyan? Wala ka nang kotseng gagamitin sa pagpasok sa school." nag-aalala ang Tita Rita niya.
"It's okie, Tita, sanay kami ni Jorge na mag-commute."