No Other Man in short NOM, ang Babe ng lahat. Ang taong nambibitin. Siya lang yata ang kilala kong babaero na nga sikat pa! Edi wow! Nambibitin pero gusto parin ng lahat.
Pero sino nga ba talaga siya? Pati ba naman sa personal na impormasyon eh nakakabitin ? Para kang si Bob Ong Babe, seryoso! Napakamisteryoso mo. Kelan ka ba namin makikilala? O may balak ka bang magpakilala? Habang buhay mo ba kaming bibitinin?
Pero pagdating sa pagsusulat mo bilib ako sayo. Ang taba ng utak mo Babe. Swear! Mas mabilis ka pa sa loading data ko kung mag-update ng stories mo. Nagmumura na yung Notification ko dahil sayo, inaano ka ba ng Notification Wall ko ha ?!
Sa totoo lang hindi ko na matandaan kung bakit ako naging isa sa mga babae mo este sa mga Babe mo. At hindi ko rin naisip na makakagawa ako ng walang kwentang storya na ganito. Kase naman di naman tayo close tapos gagawa ako ng ganito? Stupid right? Pero dahil kwento ko to, wala kayong pake! Akin muna si Babe ngayon.
BINABASA MO ANG
NOM's Bitin Files
Short Story"Walang Iwanan Hanggang Labasan" -No Other Man (Pambansang Babe ng Wattpad) @MSLUHA All Rights Reserved 2015