Katauhan ni Babe

34 1 2
                                    

May nahanap akong 10 tao na mayroon kaunting kaalaman sa ating Babe. Tunghayan ninyo ang aming pag-uusap.

(Itago natin sa pangalang Babe 1)

Ako: Matagal mo na bang kilala si No Other Man?

Babe 1: Matagal-tagal na din po.

Ako: So madami kanang alam tungkol sa kanya?

Babe 1: Kaunti lang po.

Ako: Sige. Una kong tanong. Lalaki ba talaga siya?

Babe 1: Opo naman. Halata naman di ba?

Ako: Naninigurado lang. Okay anong itsura nya?

Babe 1: Matangos po ang ilong nya tapos ma---- *pruuuuuuuuuuttttt*

Ako: Teka ano yun?

Babe 1: Wala p----- *pruuuuuuuutttt*

Ako: Umutot ka ba?

Babe 1: Pasensya na po. May LBM po kase ako. Pasensya na alis na po ako.

(Sabay alis ni Ate)

Okay? So iba nalang.

(Itago natin sa pangalang Babe 2)

Ako: Hi. Are you close with NOM ?

Babe 2: Not really.

Ako: Ah okay. So tell me something about NOM?

Babe 2: NOM is such a mysterious guy. He's really nice. Everybody's wondering about his real identity. He has a cute nose, really cute. And uhm...

Ako: Wala ka na bang ibang alam? Alam na kase namin yan.

Babe 2: Nothing. Yun lang yung alam ko about him.

Ako: Okay. Thank you.

Failed again.

(Itago natin sa pangalang Babe 3)

Babe 3: Hi po.

Ako: Hello. Kilala mo din ba si NOM?

Babe 3: NOM? Sino yun?

Ako: Di mo siya kilala?

Babe 3: Hindi po.

Ako: Bakit ka nandito?

Babe 3: Akala ko audition to para sa Starstruck?

Ako: Nako mali ka nang pinuntahan. Tyaka teh, tapos na Audition. Nagsisimula na nga pong ipalabas sa T.V.

Babe 3: Bakit may nagtext sakin? Sabe pasok daw po ako?

Ako: Baka Scam yan.

Babe 3: Ah ganun po ba. Sige po alis na ko. Salamat.

Epic fail! Okay next?

(Itago natin sa pangalang Babe 4)

Ako: Hi. May alam ka ba tungkol kay NOM?

Babe 4: Madami.

Ako: Sige. Taga saan siya?

Babe 4: That's confidential.

Ako: Ah... Ilang taon na siya?

Babe 4: Too confidential.

Ako: Okay. Ano kayang itsura nya?

Babe 4: Too confidential.

Ako: Bakit ka pa nandito kung hindi mo lang din sasagutin ang mga tanong ko?

Babe 4: Eh sa hindi pwede eh. Confidential nga sabe. Makaalis na nga ang labo mo kausap!

Ako: @#$%*!

Nakakatuyo sila ng utak! Kaya pa yan may 6 pa kong matatanungan.

(Itago natin sa pangalang Babe 5)

Ako: Hi. Kung wala kang alam tungkol kay NOM umalis kana. At kung may alam ka pero hindi mo rin sasabihin, umalis kana. Maliwanag?

Babe 5: Wag po kayo mag-alala magshashare po ako.

Ako: Mabuti. So ano mo siya?

Babe 5: Classmate nya po ako.

Ako: So share something, his real name, age, his appearance, likes at kung anu-ano pa.

Babe 5: Sige po. Ah teka lang po, anong oras na po?

Ako: 12:30 na. Bakit?

Babe 5: Nako kailangan ko na pong umalis.

Ako: Bakit?!

Babe 5: Malapit na po kase magsimula ang Kalyeserye. Panunuorin ko pa po ang AlDub.

Ako: What?!

Babe 5: Sorry. Bye po.

Okay next na tayo. Nasaan na yung iba?

Umalis na po sila Ms.Author.

Bakit?

Manunuod pa din daw po sila ng AlDub.

*face palm*

ㅇㅇㅇㅇ

Sa huli ay wala parin tayong nalaman tungkol sa kanya. Mananatili na lamang ba siyang isang hiwaga? Magiging napakamisteryoso habang-buhay? Sa tamang panahon makikilala rin natin siya.

Haba nito! Hi Babe!

NOM's Bitin FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon