Sino Ba Siya?

43 4 12
                                    

Muli na namang natapos ang isang linggo. Ngunit sa pagtatapos nito'y wala tayong nakuhang sagot sa katanungung sino ang babaeng nagbibigay inspirasyon sa ating Babe.

Sadya nga bang duwag siya? Kaya hindi niya magawang isiwalat kung sino ang babaeng iniibig niya? Nahihiya? Natotorpe? O di kaya'y nantitrip lamang? Who knows? Hindi naman natin hawak ang isip niya. Siya parin naman ang magdedesisyon kung sasabihin niya ito o habang buhay na lamang siyang magbibigay ng mga impormasyon tungkol sa babaeng iyon.

May nagsasabing huwag na niya sabihin, para daw manatilu ang kanyang pagiging misteryoso. Ngunit mas marami ang nagsasabing sabihin, isiwalat at ibulgar ang pangalan ng babaeng iyon. Marahil isa ito sa dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin kung sino. Baka naiisip niyang kukuyukin ng kanyang mga Babe ang babaeng iyon. Nakakatawa ngunit nakakatakot din naman kung iisipin. Baka kase panghimasukan ng iba ang buhay ng babaeng gusto niya. Pero nakakakilig naman hindi ba? Meron nang "Babe ng Pambansang Babe ng Wattpad" ang haba ng title no?

Pero bilang isang Babe ni No Other Man, ano nga ba ang iyong masasabi tungkol sa kaniyang iniibig? Tutol ka ba? O ikatutuwa mo ang rebelasyong mangyayari kung sakali? Leave your comments. Feel free.

NOM's Bitin FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon