Makalipas ang ilang araw, napansin ng ilan ang iyong kawalan ng presensya. Nagsimula na silang hanapin ka. Tanungin kung nasaan ka. At gustong alamin kung bakit wala ka. Ang laki ng epekto mo sa kanila hindi ba? Sinanay mo kase silang lagi kang nandyan. Sinanay mo sila na sa bawat pagbukas ng Facebook nila eh ikaw ang makikita nila. Ayan hinanap-hanap ka tuloy.
Pero matapos ang ilan linggo (siguro) eh bumalik ka. Nagpakita kana ulit sa kanila, sa amin. Nakakatuwa hindi ba? Pero bakit parang iba? Bakit parang may nagbago? Bakit parang may mali? Hindi kana ganun kasigla mag-post at karamihan sa mga post mo ay may kaakibat na pagpaparamdam ng muling pag-alis. Ano bang problema? Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba Babe?
BINABASA MO ANG
NOM's Bitin Files
Short Story"Walang Iwanan Hanggang Labasan" -No Other Man (Pambansang Babe ng Wattpad) @MSLUHA All Rights Reserved 2015