Confessions Kay Babe

30 3 3
                                    

"Hi po Ate, pwede po magconfess?"

"Oo naman. Confession day ngayon eh."

"Hi NOM crush kita. Nakakatuwa kase ang mga kwento mo kahit nakakabitin. Hindi ako isa sa mga Babe mo. Tahimik lang akong iniistalk ka."

----

End of Conversation.

Isa lamang ito sa mga Confession na aking nakukuha mula sa mga kababaihang nahuhumaling sayo. Akalain mo yun, ang isang misteryosong binatang katulad mo ay pagkakaguluhan? Kahit hindi ka nila nakikita nagkagusto na sila sayo. Edi wow!

Pero eto seryoso, ano bang meron sayo na wala sa ibang lalaking ipinapakita ang mukha? Ganun ba talaga pag mga taong pamisteryo? Mas pinagkakaguluhan?

Tuwing Confession Day sa isang Wattpad Group sa Facebook eh hindi nawawala ang pangalan mo. Trending ka kumbaga, kaya ang ilang kababaihang hindi nakakakilala sayo ay nagugulumuhanan sa katauhan mo. Hanggang sa aalamin nila ang tungkol sayo at di maglalaon ay isa na sila sa magiging taga-hanga mo. Masasabi kong sikat ka nga talaga.

Pero sana kahit dumami pa ang mga babaeng humahanga sayo hinding-hindi ka magbabago. Alam mo yun? Yang pagiging nice mo. Yang pagiging magalang mo sa mga kababaihan. Magawa mo lang na huwag magbago, mas bibilib ako sayo.

At dahil wala na kong maisip na isulat dito eh hanggang dito nalang. Masyado bang boring ang parteng ito? Hayaan mo na.





WAG KANG MAGBABAGO.

NOM's Bitin FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon