Happy 100+ reads sa kwentong ito (kwento nga ba?) So ayun nga, nawala ako ng pansamantagal. Busy kase ako. Sorna.
#123 na tong kwento natin sa Short Story. Salamat sa inyo. Mababaw kaligayahan ko kaya hayaan nyo na ko. Sige magbasa na ulet kayo.ㅇㅇㅇㅇ
Ano Babe? Kamusta ang mala-MMK na sulat ng iba para sayo? Nagustuhan mo ba?
Wala na naman akong maisip na isulat dito...alam ko na!
Nitong mga nakaraang araw ay biglang tumamlay ang Babe ng lahat sa di malaman na kadahilanan. May mga pahaging na mensahe mula sa Facebook. Mga masasabing senyales ng pag-alis? Oh wait?! Pag-alis? Aalis ka? Saan ka naman pupunta? Iiwan mo na kami? Nabibitin ka na ba samin? Wag ganun! Pati ba naman sayo wala kaming forever?
Meron ka pang post na "15 days and I'll be leaving. Enjoy the rest of my post." Umabot ito ng 87 likes at 24 comments mula sa mga Babe mong tinatanong ka kung bakit at ang ilan sa mga sagot mo ay "Tapos na ang obligasyon ko"
"Balik friendster na ako"
at syempre hindi mawawala ang mga emoticons mong reply.Bakit nga ba?
May problema ba?
Hindi namin lubos maisip na ang masiglang tulad mo ay mawawala na lamang. Na ang taong pumupuno sa aming Notification at Wall at maglalaho na parang bula.
Naging parte kana nang ilan sa amin. Isa kana sa dahilan ng kanilang pagngiti at pagtawa. Nagiging dahilan upang mapawi ang kanilang kalungkutan. At nagiging inspirasyon sa kanilang buhay. Akalain mo yun? Ang laki ng epekto mo sa iba? Kaya bakit ka mawawala? Bakit ka aalis?
Naging mapayapa ang Facebook namin dahil tumahimik din ang nagpapaingay nito. Dahilan upang hanapin ka namin. Nangungulilla kami sayo (wow ang drama).
Pero syempre bumalik muli ng kaunti ang iyong sigla na siya namang ikinatuwa ng mga Babe mo na namiss ka ng sobra. Puro ilong na ulit ang nakikita namin sa Notification namin. Nag-iingay kana ulet. Ang saya! (parang di naman)
Sana hindi na maulit ang pananahimik mo. Maingay kana ulit palagi. Punuin mo ulit ang aming puso ng pagmamahal mo. At sana hindi mo kami iwan...sana. Kung ano mang problema ang meron ka, kayanin mo! Labanan mo. Tandaan mo nandito kami para sayo. Hindi ka namin iiwan. Kapit-bisig sabi ni Maya.
Paano ba yan humahaba na to? Tama na. Naduduling na ko habang nagtatype sa sasakyan.
Magandang umaga Babe ng lahat.
BINABASA MO ANG
NOM's Bitin Files
Short Story"Walang Iwanan Hanggang Labasan" -No Other Man (Pambansang Babe ng Wattpad) @MSLUHA All Rights Reserved 2015