Babe ni Babe

32 2 3
                                    

Dumating na naman ang araw ng linggo sa WRAWH, ang araw na hinihintay ng karamihan. Ang araw na maaari silang mag-Pabebe, magsiwalat ng lihim, damdamin at saloobin. At ang araw na ating hinihintay upang malaman ang katauhan ng "Real Babe" ng ating Pambansang Babe.

Ngunit bago ang rebelasyon, magbalik-tanaw muna tayo. Pang-ilang linggo na nga kayong naghihintay? Pang-apat. Tatlong linggo na niya palang binabagabag ang ating kaisipan. Wag mo nang itanggi, oo ikaw, alam kong kating-kati kanang malamab kung sino nga ba? At ito na ang pang-apat na linggo ng Confession ni Babe.

Noong una niyang Confession, isinambulat niya na mayroon siyang babaeng hinahangaan na kung saan ay ikinagulat marahil ng ilan, ikinakilig ng ilan at siguro'y ikinainis ng iba. Sa pangalawang Confession niya ay binitin niya tayo ngunit nag-iwan siya ng isang clue, "Y" merong letrang Y sa pangalan ng babaeng kaniyang hinahangaan. Madamig pangalan ang lumabas. Hanggang sa dumating ang kaniyang pangatlong Confession, kung saan ay muli na naman tayong madismaya dahil tanging letrang "E" lamang ang kaniyang iniwan. Nakakatuwa at hula ng hula ang kaniyang mga Babe.

Ngunit nito lamang linggo ay muli siyang nag-Confess. Narito ang kaniyang sinabi:

" #WRAWHConfessionDay

Sobra na ang panggigipit nila sa akin. Pinupuwersa na nila akong umamin! Natatakot ako. Baka mamaya ay bugbugin nyo ung babaeng gusto ko.

Kaya medyo dinadahan-dahan ko lang. Kasi ayokong mabigla kayo. Habang may BUHAY may PAG-ASA.

Nung una, letter 'Y' ang sinabi ko. Sumundo, letter 'E'. Ngayon naman ay letter 'O'.

Wag sana sumakit ang ulo nyo sa kakaisip. -_-

-Berde- "

Oh kamusta? Nainis ka ba? Kalma. Marami pang Linggong darating, pasasaan pa't malalaman din natin sino nga ba itong masasabi kong masuwerteng babae na iniibig ng Pambansang Babe.


Muli tayong mag-abang. Hanggang sa muli. Paalam. *insert Pabebe Wave*

NOM's Bitin FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon