I. *Not so Ordinary Angel*

15 0 0
                                    


Mababakas ang kasiyahan sa mukha ni Angela sa mga sandaling iyon na matamang nakaupo sa ibabaw ng mga ulap. Ang kanyang ngiting na animo'y mapunit na ang kanyang bibig sa pagkakalawak. Pa sway sway pa ang kanyang nakababang mga paa sa sobrang kasiyahan.

Ang dahilan ng lahat ng ito ay ang kanyang hawak hawak na Oppo phone. Ang isa sa mga pinaka latest at pinaka expensive na cellphone sa mundo ng mga tao.

" Ang ganda ganda ganda ganda ko talaga like O to the M to the G. I'm so pretty pretty talaga. O my gosh!" Eksaheradang turan nya habang sinisipat ang kinuhanang sarili sa kanyang bagong Cellphone.

Nagseselfie lang naman sya sa mga sandaling ito. Nakikiuso sa pinaggagawa ng mga mortal na taga lupa.

Abala sya sa pag scan ng kanyang mga picture na bagong kuha lamang.

"Alin kaya dito ang gagawin kong PD?Hmmm." Sabi pa nya ng di makapamili sa limang 'cute shots' kung kanyang tawagin.

"Ah ito nalang." Pang final ng desisyon. Kinalikot naman nya ang isa sa mga application sa cellphone nya na kung tawagin ay Facebook at pinalitan ng naka peace sign sa kaliwang mata o 'Japayuki Style' kung kanyang tawagin.

"Aaaaay Bongga! Naka 500 likes na agad. 10minutes palang ang nakalipas. Wiz akey masabeh sa aking face. Ahihi"humahagikgik nyang sabi ng makita ang resulta ng kanyang Profile Picture likes.

"Ay may nag add sakin. Aba pak na pak. Haba talaga ng hair kong rebonded. 20 sila." Agad nyang tinignan ang mga nag add friends sa kanya sa Facebook.

"Ay five six yung walo. Wiz ko bet maging friends." dinecline nya yung pitong Arabo na nag add friend sa kanya. 5-6 tawag nya sa mga ito dahil relatives naman daw sila mga bumbay.Ayaw nya itong i-accept dahil choosy kasi sya at ayaw nya sa mga arabong di nya kinakaintindihan.

"Ay eto. Chinito eyes, fair skin, pink lips, cute nose. Ay maladyosa like me. Bet na bet."
At in accept nya yung friend request ang lalaking nagngangalang Lu Han Kitty.

"Ay ang hawt naman ng isang to. Bongga ang pagka hot. Bet" in add nya yung lalaking nangngangalang KaiHotAkoow

"Waaaaah. Ang sarap in pinch ng chicks nito. Ay bet kita girl" sabi nya habang inaadd yung Xiumin na inaakala nyang babae.

"Ay bet ko din tong kamag anak ni Madam Auring" ang tinutukoy na ay yung lalaking may wushu stick nasi HuangZiTao

"Waaaaaah. Ang hawt nilang lahat. Sila ba ang mga nawawala kong siterakas? Ay bet na bet. I a add ko ang aking mga long lost sisters." At inadd na nga nya ang apat na lalaking pinagkamalan nyang mga kapatid sa heaven na sina BeconBeconBaekhyun, Dyo K., ChennyChen, at YeolieBaby

"Waaaah. Andito din ang Angel warrior and friends. Ay add ko din kayo mga Kuya" ang tinutukoy nyang warrior ay ang lalaking may matulis na baba name si Kris at ang mga kaibigan nitong sina SuhoSuho, Lays at akOH SEHUN.

(haha.la akong maisip na iba e kaya puro exo na lalagay ko.lol)








Sinong mag aakala na ang isang nilalang na tulad nya na may mga puting pakpak at may halo o sa ibang sabi ay isang anghel at alagad pa ng Dyos ay daig pa ang mga kabataang mortal kung maka pag selfie, Facebook, Instagram, Twitter at kung ano ano pang social apps. At dinaig pa ang adik sa mga site na to kung maka post sa isang araw.

Isa syang anghel. Isang anghel na naiiba sa lahat. Naiiba dahil sya lang ang nag-iisang beginner na may pinaka malaking pakpak. Kumpara sa normal na anghel ay mabait, masunorin, mahinhin, mapagpasensya, at maykagawang gawa.

Sya hindi, mabait naman sya, may busilak na puso ngunit saksakan naman ng kakulitan at kapasawayan. Laging late sa pag-aaral sa sakramentong kasulatan, laging nilalabag ang bilin sa kanya ng kanyang superior na si Angkanghel Gabriel. Bawal na bawal syang pumunta sa ibaba kung nasaan ang mga normal na tao pero pumupuslit parin sya at kung minsan ay sayang saya pa syang mag shopping. Bagay na hindi dapat ginagawa ng uri nya. Pero dahil nga pasaway sya, ginawa nya parin.

At higit sa lahat, ang galing nyang pag pranks. Minsan nga may nginunguya syang bubble gum na nakuha nya sa mundo ng mga tao ay bigla nyang ibinato sa kinaiinisan nyang kamag-aral eh umilis ito edi ang natamaan ay ang kanilang maestro at ang kanyang superior na si Arkanghel Gabriel. Napagalitan lang sya at pinagtawanan pa ng kanyang kinaiinisang kamag aral kaya inirapan nya ito ng bonggang bongga.

Tunay nga syang kakaiba sa lahat.


+++++++++++++++++++

A/N

I NEED YOUR FEEDBACK GUYS...AND YOUR SUPPORT PLEASE.

(COPS LOCKS PARA INTENSE...HEHE ^____^V)

PS. This chapter is dedicated to my baby sis Mariel. She's my baby sis not by blood but through the strong bond of our friendship. (Sorry x grammars pa XD)

Baby Yeng..this is for you..kasing kakulet mo kasi si Angela para sakin. Labya matsssss (^*^)

My Mischievous Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon