IV. *Dramatic Farewell*

4 0 0
                                    

" HUWAAAAAAAAAA"

Maririnig ang kanyang malakas na pag-iyak sa tabi ng sagradong gintong pinto. Ang pinaka malaking gintong rehas na pinto. Ang pinto kung saan pumapasok ang mga piling kaluluwa na may pure light. Dito pumapasok ang mga may kaluluwa ng mga taong iniligtas ng Dyos mula sa paghahatol.

"Bakit ka umiiyak, anghel?" Maalumanay na tanong sa kanya ni San Pedro, ang inatasan na magbantay sa sagradong pinto.

Nasa tabi nya ito dahil dito sya tumakbo kanina nung sya ay naiiyak. Close din nya ito at tinuturing din nyang ninong nya. Oh ha. Ang dami na nyang ninong.

Hinaplos haplos nito ang ulo nya upang mapatahan sya kaya naman ay sumiksik sya lalo dito.

"K-kasi...*sinok* k-kasi po.... *sinok uli* Huhuhu TT^TT *singa ng sipon*"

"Dahil ba yan sa ibinigay na parusa sayo ni Arkanghel Raphael? Huwag ka nang mag-alala, hindi ka naman papabayaan ni Ama hindi ba? Tahan na. Magiging madali din ang lahat, magtiwala ka lang lagi sa Dyos" payo pa ni San Pedro.

"Pero hindi naman po iyon ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon eh. Huhuhuhu *singa ulit ng sipon sa damit *"

"Kung hindi iyon, ano ang dahilan kung bakit ka umiiyak munting anghel" soft parin ang boses na tanong ni San Pedro.

"Kasi po ninong SanPedro. Di po ako nakabili ng power bank tapos eto Lowbat na ang pinakamamahal kong cellphone. Waaaaaah. Hindi na ako makaka selfie bago ako umalis. Huhuhuhu." sabay pakita ng Oppo phone kay San Pedro.

" Ay nakung bata ka. Akala ko naman kung ano na ang iniiyakan mo. Iyan lang palang kudradong puti." Napapakamot na saad pa ni San Pedro. Nakalimutan na yata nyang iba ang laging iniiyakan nito sa tuwing iiyak ito sa tabi nya. Noon imbis na dahil sa napagalitan ito mula sa mga superior ay ang nasirang, headphones, walang internet network (dahil nga nasa langit at walang makalap na signal), sirang bagong manicured na kuko, at hindi naka update sa wattpad ang iniiyakan nito. Nakalimutan nyang hindi pala normal na anghel ang kasama nya.

"San Pedro naman eh. Cellphone nga ito, hindi kwadradong puti." Pagalit na sabi nya sa ignoranteng kausap.

"Aba malay ko ba jan sa Selpon na yan. Saan mo ba yan nakuha? Bumaba ka na naman ba sa lupa?" Napapailing na sagot ni SanPedro sa childish na kausap.

"Eeeeee. An chuleeet. Cellphone nga po e, hindi selpon. Hay naku nakakabebang kayong kausap. At opo, sa lupa ko to nakuha. Ang ganda po diba?Hihihi"

My Mischievous Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon