Lumapag ang dalawang nilalang na mula sa langit na sina Angela at Azrael sa harapan ng tarangkahan ng isang malaking bahay na may kalumaan na.
"Surebells na dito talaga? Baka naman namali ka lang." Hindi kasi sya makapaniwala na nandito sa loob ng nakakatakot na bahay ang babantayan nya.
"Oo nga. At kelan nga ba ako nagkamali sige nga!" Nabagot na saad ni Azrael sa makulit na kausap.
"Eh malay mo ngayon yung first. Saka sino namang babantayan ko jan? Sina gagamba at agiw. Tignan mo nga oh, parang pinagtakasan na at pinaglumaan na ng panahon yung bahay. Sino pa ang titira jan sige nga." Di papatalong sagot naman nya.
Hay naku! Nakalimutan na naman nya ang good manners sa harap ng superior at kung makasagot at wagas wagas na naman.
"Eh kung pumasok kaya tayo ng maniwala kang may nakatira nga jan. " Sabay hila sa kanya papasok.
"A-yaw! Bitawan moko. Ayokong pumasok jan. Natatakot ako. Baka may multo." Sabay pilit na tinatanggal ang kamay ni Azrael na nakahawak sa pulsohan nya.
Napamaang naman ito sa kanya at biglang napaghalakhak.
"Ffft. Seriously? Hahahaha. Sa tanda mong yan naniniwala kapa sa multo? Hahahaha. Feeling mortal being lang? ASANESS KA!" Natatawang turo pa sa kanya ng lalaki.
"Masama?! Masama?! Chura neto " at sinamaan na naman nya ito ng tingin.
"Mapa langit mapa lupa, nag aaway parin kayo? E kung pagbuholin ko nalang kayong dalawa ha." Sabad ng kakasunod lang na si Uriel.
"Sya kasi!" At nagturoan pa silang dalawa.
"Anong ako? Ikaw kaya!" Sabay pa sila.
"Bat moko ginagaya?" Sabay uli na sabi nila.
"Arrrrg! Hmmmp!" Sabay uli nilang sabi at sabay din silang nagpatalikod sa isat isa.
"Magkambal ba kayo?" Kumento ni Uriel sa pagsasabay ng dalawa at ang tumataginting na "eeeeeeeeeew" lang ang nakuha nyang sagot mula sa dalawa kaya napatawa sya. Magkambal nga piping saad na lamang nya.
"Tama na yan. Puntahan na natin ang babantayan mo sa loob dalawang daang araw, Angela. " at nagpatiuna ng lumipad si Uriel. Nasa bubong na ito ng bahay at unti unting lumusot sa bubong papunta sa looob ng bahay.
"Seryoso nga!" Napa gulp na sabi ni Angela. "Teka! Anong ginagawa mo Azy (Ahzi). Waaaaah. Bitaw. Bitawan moko!" Tili nya ng bigla syang buhating ni Azrael at inilipad pataas.
"OK. Your wish is my command your Highness" at dahil may kalokohang naiisip ang malokong lalaking buhat buhat sa kanya ay imbis na ibaba sa dahan dahan, inihagis sya pababa. At dahil silay nasa anyong anghel tatagos lang sila. Tumagos nga lang sya sa bubong papasok sa loob ng kwarto kung nasaan pumasok si Uriel.
"Ang sama mo talagang baluga ka. Waaaaaah....*booooogs*" sigaw pa nya bago sya tuloyang lumanding.
Lumanding sa natutulog na taong mortal. Sa isang taga lupa.
Buti sana kung sa iba sya nabagsak kaso sa ibabaw pa mismo ng natutulog na binata at sa di malaman kung swerte ba o malas ang pagkakabagsak sa kanya ng pasaway na si Azrael.
Ang galing naman ng timing ng pagkakabagsak sa kanya ng putakteng anghel at na sentro tuloy sa ibabaw ng binatang taga lupa, sa mukha nito at lalong nalo na sa mga labi nito.
Oo,Kasabay ng pagbasak nya kanina ay ang pagbasak din ng mga labi nya sa binata. Then poof the unplanned kiss was made.
Napakurap pa sya ng ilang sandali dahil sa biglaang nangyari habang nakadikit parin ang kangyang mga labi sa natutulog na binata.
Maging ang dalawang kasama nya napamaang din sa nangyari. Subalit angkanghel na si Azrael ang unang nakabawi at inalis sya mula sa pagkakatuod sa ibabaw ng binata.
"Hala! Angela anong ginawa mo?" Nahihintakotang tanong sa kanya ni Uriel
"It's not my fault. It was an accident." Nagpupuyos naman nyang sagot.
"We're dead" sabad ni Azrael.
"Definitely" segunda naman ni Uriel. "Tayo na Azrael bago pa magising ang binatang iyan at makita tayo. Angela ikaw na ang bahala dito. Mauna na kami.Mag iingat ka." At naglaho na ng tuloyan ang dalawa ng mapansing magigising na ang binata.
Kapag ang isang guardian angel ay hinalikan ang kanyang naatasang babantayang mortal sa unang pagkakataon. Ang mortal na nilalang ay magkakaroon ng kakayahang makita ang kanyang guardian at ang mga kauri nito. Dahil din sa unang halik ay ang halik din ang magiging mga lunas na sugatan o nahihirapang mortal.
Iyan ang isa mga pinag aralan nila sakramentong kasulatan. At lahat silang tinubuan ang puting pakpak ay alam na alam ito. At mahigpit din itong pinagbabawal na gawin ng isang guardian subalit dahil sa isang aksidente. Ang isang pagkakamali ay nanguari.
Kaya lubos na nahintakutan ang dalawa kanina at biglang umalis dahil baka makita pa sila ng taga lupa na hindi dapat nangyari.
Lalabas sana sya upang maliyo liyo ang isipan nya tungkol sa nangyari ng bigla namang napaungol ang binata at tila may ibinubulong ito.
"H-huwag.....huwag kang umalis....huwag mo akong iwan....p-pakiusap..." Bulong na sabi ng binata. Mukhang nananaginip ito.
Sa hindi malamang dahilan ay tila nahipotismo naman ang dalagang anghel sa daing ng binata.
Lumapit sya at umupo sa higaan ng binata at sinuklay suklay ang malambot at may kahabaan nitong buhok.
"Huwag kang mag alala. Nandito lang ako at hindi hindi aalis sa tabi Mo. Pangako"
Parang naging magic words naman ang mga katagang binitawan ng dalawa at naging mahimbing muli ang tulog ng binatang taga lupa.
BINABASA MO ANG
My Mischievous Guardian Angel
FantasySya si Angel Angela, isang ubod ng pasaway na anghel mula sa langit. Laging late sa sacred lesson at araw-araw na ginagawa ang mahigpit na pinagbabawal ng kanyang Anghel Superiors- ang pagpunta sa mundo ng mga taga lupa. Upang magtino, binigyan sya...