II. *Late Again*

8 0 0
                                    

Ngiting ngiti pa si Angela habang nagfe Facebook ng bigla syang napatingin sa time ng kanyang cellphone. Napalitan ng pagkataranta ang kaninang masaya nyang mukha.


"Waaaaaaaaaah. Late na naman ako. Patay na naman ako kay Superior."

Agad syang bumigwas at lumipad pataas patungo sa kaharaian ng mga tulad nya.

Ang kaharian na parang island na nakalutang sa mga lagpas ng mga ulap. Isang kastilyo na puti na may lining na ginto at malawak na hardin ang makikita. Saganang talon na nagmumula sa pa himpapawid ang lubig. Tunay ngang kaharian ng mga may puting pakpak na tulad nya.

Nagtungo sya may malawak na parang sa likod ng kastilyo. At dun nya nakita ang kapwa nya beginners at ang kanyang superior na si Arkanghel Gabriel kasama nito si.....

"Arkanghel Azrael?" Wala sa wisyong naisatinig nya ang pangalan ng kasama ng kanyang superior.

Dahil sa lakas ng boses nya ay napatingin sa kanya ang lahat. Natawa naman si Arkanghel Azrael marahil sa reaksyon nyang nanlalaki ang mga mata sa gulat.

Patay na talaga ako neto

Sambit nya sa sarili. Ang archangel na si Azrael ang pinaka makulit na Arkanghel na nakilala nya. Biro nga nito baka sya daw ang nawawala nitong kapatid(na wala naman talaga syang kapatid -____-) dahil magkaugali sila. Pinaka go-lucky na anghel sa lahat. Pero pagdating sa pagbibigay ng parusa. Nako! Walang pero pero, walang kapakapatid, in short walang patawad. Parusa ay parusa. At ang pinaka pa sa lahat, napakahirap magbigay ito ng parusa. At nakakatakot pa.

"Angkanghel Azrael... Bagay talaga ang pusisyon mong anghel ng mga patay... Dahil ang mga parusa mo nakakamatay...hmp.."

"HAHAHAHAHAHAHA."

Nagtatakang napatingin sa kanya yung mga tulad nyang beginners. Beginners ang tawag sa kanila nasa ilalim pa ng pag-aaral at paglilinang sa kanilang kakayahan bilang isang anghel. Maliban kay Arkanghel Gabriel na napapailing na naman.

Ya! Stop reading my mind.

Isa sa mga katangian ng mga superior ang makabasa ng damdamin, nilalaman ng kanilang isipan at ang kanilang kaluluwa kaya nga wala silang naitatago sa mga ito.-______-

"Ayoko nga. Bleh!"

Nanlaki ang mga mata nya ng marinig nya ang boses ni Archangel Azrael sa kanyang isipan.

"Hala! Arkanghel Azrael. Bakit kita naririnig sa aking isipan?"

Napaka rare ng nangyayaring ito. Isang beginner lang naman sya pero paanong naririnig nya din ang sinasabi ni Anghel Azrael e ang layo layo nya sa kanya?

Nakakabasa din ba ako ng isip?

Napatingin naman sya kay Arkanghel Gabriel at nag concentrate. Iniisip nya na mabuksan ang pinto sa isipan ni Arkanghel Gabriel at mabasa ito.

Gabriel, anong nangyayari sa alaga mo? Paanong naririnig nya ang sinasabi ng isipan ko?

My Mischievous Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon