VI. *Fluffy Bird*

5 1 0
                                    

Sa unang pagkakataon ay naging masaya ang gising ng maaga ang binata sa hindi nya malamang dahilan. Naningingiti syang bumangon at for the first time din na sinipag syang ayosin ang kangyang pinaghigahan.

Nakakapanibago ang nangyayaring sa kanya. At nakakapanibago pa na may ngiti sa kanyang mga labi ngayon.

Hindi sya morning person. Tanghaling tapat na kung magising sya kaya lagi nyang hindi pinapasokan ang mga morning classes nya. Kaya nakakapagtaka na nagising sya ng ganitong umaga at alas seis pa. Tumitilaok pa nga ang tandang kung tutuosin.

Hindi rin nya inaayos ang pinaghigahan. Basta na nya lang itong iniiwan na magulo at hihigaan uli nya ng magulo pagmatutulo sya muli. Ngayon lang na nag abala syang ayosin ito.

May pasipol sipol pa syang pumasok sa banyo at maagang naligo FOR THE FIRST TIME uli na dati ay hapon na lang sya naliligo at kung sinasakyan na naman sya ng katamaran ay hindi na sya maliligo.

At sa pangalawang pagkakataon ngayon lang nya muli mahawakan ang kanyang shampoo, facial wash at pangshave na matagal ng naka stock sa tabi ng bathroom nya.

Ngayon din uli sya nagtagal ng halos isang oras sa paliligo na dati dati tumatagal lang sa 15minutes. Kung tinatamad din hanggang wisik wisik nalang sya.

"Ang gwapo ko pala" puri nya sa sarili matapos ma shaved ng kanyang humahaba ng balbas.

"Ay t*ngna. Ano ba tong sumasapi sakin at bigla ko pang pinuri ang sarili ko. At ginagawa ko pa ang mga unusual kong ginagawa. Brrrr. Nakakakilabot tong nangyayari sakin." Napayakap pa sya sa sarili ng mapagtanto nga nya ang mga kakaiibang nangyayari sa kanya.



Matapos mahaba habang ritwal sa loob ng banyo ay lumabas syang tumutulo pa ang tubig sa kanyang katawan at nakatapis lang sya ng manipis na twalya.

Parang model syang naglakad sa papunta sa kwarto nya sa second floor. Ang banyo kasing pinanliligoan nya ay nasa baba malapit sa kusina at madadaan pa ang salas bago hagdan.


Napatigil sya sa pagdaan ng biglang may bumukas at sumara sa main door ng bahay kaya napatingin sya dito.

Nanlaki muna ng mga mata nya at napiping tumingin sa taong walang modong pumasok bigla sa kanyang bahay. Ganun din ang ginawa nito sa kanya. Naging makulit ang mga mata nito at mula sa pagkakatingin sa kanyang mukha ay bumaba ng bumaba ang mga mata nito hanggang sa ..........


"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHH......FLUFFY BIRD........FLUFFY BIRD ........AAAAAAAAAHHHH" tili pa nito ng tili habang tinuturo sya at hinarang ang isang palad sa mata para wala kunwaring walang makita pero nakasiwang naman ang mga daliri kaya nakakasilip din. Nagtakip pa ito ng mata eh sumilip din naman.

Ang binata naman ay hindi malaman kung bakit biglang tumili ang babaeng nasa harap nya ngayon. Oo babae ang pumasok ng walang pasabi sa kanyang bahay at nag iingay ng agang aga.



"AAAAAAAAAAAAAAHHHHH........... AAAAAAAAAHHHHHHH......AAAAANNNGGGG FLUUUFFFFY KOOOOOO
.....AAAAAAAAAHHHH.." ngayon naman ay sya naman ang tumili ng mapagtanto na nahulog pala ang twalyang manipis na nakatapis sa kanya na syang tumambad sa dalaga.

Hindi sya magkandamayaw sa pagtakip ng kanyang fluffy. Hindi nya na naisip ang kanyang towel sa sahig at ang kanyang mga kamay nalang ang ginamit upang ito ay maitago.

My Mischievous Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon