VIII. Hurt Words

5 0 1
                                    

"Kung guardian angel kita bakit kita nakikita? At bakit wala akong makitang halo at pakpak mo?" Di parin makapaniwalang tanong ng binata sa dalagang abala na naman sa pagkain. Pinipilit nitong inuubos ang isang supot ng gardenia na may palamang nutella.

Nasa balkonahe sila ng hapong iyon at abalang kinakastigo ng binata na parang imbestigador ang dalagang nguya ng nguya.

"Fa--kit--fah--hanghulek-hulek mo? Shinagi kow nya ngang akosh hang hanghel mo. Hintsi cha farin nanyinyiwala"

Sa inis ng binata sa dalagang hindi maintindihan ang sinasabi dahil nga sa ngumunguya ito ng tsinafay este tinapay ay binanat nya ang pisngi nito.

"Ayay! Vityaw! Vityaw!" Ani dalaga na pinagpapalo ang kamay ng binatang nananakit sa kanya.

"Ano, aayosin mo na ba yang pananalita mo? Kung hindi, hindi ko titigilan yang pisngi mo hanggang mahiwalay yan" banta ng binata na sya namang kinatakot ng dalaga kaya napatango ito at agad na nilunok ang kinakain bago nagsalita.

" As I've said nga. Ako ang inatasan ako ng ninong kong si Arkanghel Raphael-----"

"Hindi ka lang pala baliw. Asumera ka din." Pagpuputol ng binata sa kanya.

"Yah! Hindi ako asumera no! Sa ganda kong to?"sabay flip hair na naging gesture mark na nya.

"San banda ang maganda sayo?" Sabay tingin ng binata sa kanya head to foot pa sabay nandidiri na gesture .

"Hoy! Ano yang tinging iyan ha? Buti pa ngang magdiwang ka dahil bumaba na ang dyosa ng kagandahan mula sa langit at magiging guardian mo pa" pagtataray ng dalaga.

" Anong inuna mong binaba? Mukha mo ba? Wasak kasi eh. Saka ikaw? dyosa ng kagandahan? Huh! Matanong nga kita. Saang mental ka galing. Lika ka ibabalik na kita dun"

"Yah! HINDI AKO TAKAS SA MENTAL. GALING NGA AKONG HEAVEN AT ME INATASAN TO BE YOUR GUARDIAN. WHY YOU DON'T MANIWALA BA. YOU'RE SO NAKAKAINIS NA" kukwelyohan sana ng dalaga ang binata kaso mas matangkad ito sa kanya at hanggang dibdib lang sya nito lalo na't naka human form lang sya.

"HINDI AKO NANINIWALA SAYO DAHIL UNA (itinaas ang hintuturo bilang pagbilang): HINDI KA KAPANIPANIWALA, PANGALAWA: TAO KA TAS SASABIHIN MONG ANGHEL KA?NABABALIW KANA TALAGA, PANGATLO: HINDI KA MUKHANG ANGHEL, LAHAT NG KATANGIAN NG MABUTING ANGHEL WALA KA. PALASIGAW, MAHANGIN, NAUGHTY, MAGASLAW AT LAHAT NA. SA TINGIN MO KAPANIPANIWALA KA...AT PANG LIMANG RASON: AT KUNG TOTOO MANG MAGIGING GUARDIAN KITA WAG NALANG. AYOKONG MAGING GUARDIAN ANG ISANG TULAD MONG UBOD NG ARTE. AT LAST REASON: P-A-N-G-E-T KA AT AYAW KONG MAKITA PA YANG PAGMUMUKHA MO. GETS? NOW GET LOST" matapos ang pang anim na bilang ng daliri mwinestra ng binata ang kamay na parang pinapalayaw ang dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mischievous Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon