~~~~~~~~continuation~~~~~~~~~
"Waaaaaah. Dollar speaking." Puna ni Angela na kaninay umiiyak lang ngayon ay nangingiti na. Bipolar talaga.
"Naman. Matalino kaya to!" Pagmamayabang naman ng hari ng kayabangan na si Azrael.
"Weh? Sige nga kung matalino ka. 1+1?" Nanghahamong tanong ni Angela sa kausap at hindi na ininda ang mga kasama sa paligid. Parang may sarili na naman silang mundo ni Arkanghel Azrael.
"Ano pa edi 3!" Malaki ang bilib sa sariling sagot ni Azrael.
"1+1 TAS ANG SAGOT AY 3? SIGURADO KA?"
"Oo kaya."
"Hindi kaya! Paanong tama ang sagot mo eh sumosobra naman"
"Katunayan lang na sumosobra ang talino ko.BWAHAHAHA!"
Napa face palm nalang sya sa kawalang kwentang rason ng kausap.
"OH ETO! 1+5?"
"6"
"Wow.Galing ah!"
"Syempre.Ako pa!"
"Oh eto 5+1?"
"9"
"9? PAMBIHIRA! BINALIKTAD KO LANG ANG TANONG KO EH!"
"Huh! Binaliktad mo pala yung tanong mo, edi rinotate ko na ang sagot ko"
"AAAAAAAAH. ANG EWAN MONG MAGRASON!"
Pasigaw na turan ni Angela sa kausap. Ito lang ang nakakataasan nya ng boses at nakakabiroan nya. Paano di nya gaanong close sa mga kapwa nya beginners gayon din ang ibang mga Arkanghel. Seryoso lagi ang mga iyon lalo na si Arkanghel Raphael na animoy may galit sa mundo sa kasungitan. Malimit nya lang marinig ang boses nito at yun ay kung importante lang ang sasabihin nito o kaya ay may hindi ito nagustohan.
"BWAHAHAHA. EDI ASAR KANA NYAN?" Natatawa pang puna ni Azrael sa nakabusangot ng si Angela na hindi matanggap ang mga rason nya.
Sa kabilang banda naman ay tinawag ni Arkanghel Gabriel sina Arkanghel Uriel at Raphael. Bigla naman silang lumabas mula sa kawalan.
"Ilayo nyo na dito ang dalawang yan. Kanina pa sila nang iisturbo sa pag-aaral. Sumasakit na ang ulo ko. Sige na ilayo nyo na ang dalawang iyan." Utos ni Arkanghel Gabriel sa dalawa.
BINABASA MO ANG
My Mischievous Guardian Angel
FantasySya si Angel Angela, isang ubod ng pasaway na anghel mula sa langit. Laging late sa sacred lesson at araw-araw na ginagawa ang mahigpit na pinagbabawal ng kanyang Anghel Superiors- ang pagpunta sa mundo ng mga taga lupa. Upang magtino, binigyan sya...