TDG Book 2 Chapter 2
A DAY IN THE LIFE OF JERSEY SANTIAGO
8:30 - 10AM - Sa bahay; Kakagising lang; Morning rituals; check answering machine; meet up with Sath and Jerro for food tasting
10-12pm - Food tasting; check other wedding details
12-1PM - Meeting with Marlo; discuss next photoshoot
1-4PM - Attend MS at UPD; visit Sir Ramon @ CMC
4-6PM - Accompany Amae; buy dress for the wedding
6-8:30 - Dinner with Paolo and Kat (Eastwood)
8:30-9:30 - Visit Mimong; check gowns
9:30-12am - CALL A LOT OF PEOPLE (Guests, caterer, flower arrangers, photographers, church)
12-1am - check little details; check FB and Tumblr
1am - Sleep
THE NEXT DAY? REPEAT.
Nakakasawa ba ang schedule ko? Sorry naman ha! Sa totoo lang maluwag pa nga yan e! Mas hectic pa siguro ako today. Countdown before the wedding?
3 days.
3 days na laaaaang! I'm so nervous! Baka kasi maging epic fail tong wedding ng bestfriend ko. First time ko lang kaya gumawa ng ganitong event! Dati mga debut lang alam ko, tas ngayon kasal naaaa!? Shete naman oh.
The wedding's on Friday na. Shoot, I'm doomed! Haggard kung haggard na nga ako e. Buti na lang Tuesday ang pasok ko sa Diliman. Malapit na kong grumaduate sa Masteral ko! Gagawa na lang ako ng short film and voila, tapos na! XD
UGH. Hindi ko pa nga maasikaso yung short film ko. Script pa nga lang e! Intense.
By the way, I'm now living in a condo somewhere in Katipunan. Mas malapit sa university at sa mga trabaho ko. Lechugas, bakit pa kasi ito ang pinili kong career? Ang dami naman ata! ;/
In fairness, mamaya pang 2pm ang lakad ko ngayon. Kakausapin ko pa yung guests na di ko natawagan kagabi, and yung band na kakanta for the wedding. Teka, where's the invitation nga pala? Ay, nandito pala sa ilalim ng kama ko. Shoot, pano naman napunta to dito!?
I scanned the invitation. Si Jerro ang nagdesign nito ah! Ang cute nga e :") Bakit cute? Kasi sa cover nung invitation, nakalagay yung picture nilang dalawa, wearing our highschool uniform. Read: highschool uniform. With school ID.
Teka lang ha, teka lang. 6 years ago na nung grumaduate kami ng highschool, pero WTH, natago pa rin nila yung uniform nila!!?
Flashback; 2 Months ago
Ako yung kinuha nilang photographer para sa wedding pictorial nila. Syempre, bestfriend ako e! Alangang hindi nya ako kunin! XD Sila na yung nagconceptualize ng theme for the shoot. At ayaw pa nila sabihin sakin kung ano yun! Kainis
Nung araw na ng shoot..
Define nganga ako nung tumambad sakin ang dalawa ng naka-uniform.
"What in the world is this!?" hindi ko napigilang sumigaw. Ayun, tumigil yung mga asssistant ko sa pag-aayos ng ilaw ang backdrop.