Author's Note | ANNOUNCEMENTS
Kung nakaabot kayo sa part na 'to..
PALAKPAKAN NYO ANG SARILI NYO! XD
HAHAHAH! Sorry naman kung may echos pang ganito. Nung Book 1 kasi nakalimutan kong lagyan ng Author's Note kaya dito ako babawi. Para mafeel ko naman ang isang napakahabang Author's Note.
Magkukwento muna ako.
-
Mahilig talaga akong magsulat, kahit itanong nyo pa yan sa high school classmates ko. Ever since Teen Fiction na ang genre ko. Kaso may sakit ako eh, pag nagsulat ako, may tendency na sa kalagitnaan ng kwento eh tatamarin ako tapos hindi ko na itutuloy. Kaya ayun, may 10 stories akong hindi tapos (isama mo na yang Senior Year. HAHAH!)
2010 ang pinakadepressing/masayang taon para sakin. Masaya kasi grumaduate ako ng high school at eventually pinalad na makapasok sa UPLB.
Depressing? Basta, summer 2010 yon. Pinakapakshet na summer sa lahat. Kaya kayo wag kayong magshoshota pag 4th Year highschool! JOKE LANG!!! JOKE LANG!
July 2010 nang maisip ko ang idea ng TDG. Actually idea ko na 'to nung 4th Year kaso mas inatupag ko yung Senior Year kasi pinipilit ako ng malalandi kong kaibigan (Hi Pam, Bee & Drinn!) since kwento ng klase namin yun. Eventually nakalimutan ko na ang idea ko for TDG, nagresurface lang yon ulit nung July.
August 14, 2010 nang sinulat ko yon. Bakit?
Wala lang, para makamove on. Gets nyo na yun.
Sa Book 1 ko binuhos halos lahat ng personal experiences ko. May scenes dun na nangyari sakin at sa mga kaibigan ko, na medyo minodify ko lang para hindi halata. Mas attached ako sa Book 1 kasi may pinaghuhugutan ang Prologue nun. HAHAHHAH!
4 months later, December 26, 2010 ko pinost ang Book 1 sa Wattpad. Tagal noh? Sa notebook ko lang kasi sinulat yon, up to Chapter 22. Tanda ko nun, madaling araw! 6 chapters agad ang pinost ko! HAHAHAH! Tapos may isang nagcomment, nhicx_06 ata yun? (teka babalikan ko! Sya ang kauna-unahang nagcomment sakin ever!), update raw. Eh kakapost ko lang! Ako naman si tanga, nagpost ulit! XD
Part ng The Bitter Diaries Series ko ang TDG Book 1 (Kasama ang Para Kay X sa TBD Series. Choss alam na!). Bola lang yan eh, trip lang. I admit nabore ako sa first parts ng Book 1 kasi ang bagaaal ng pacing. Yung ibang stories kasi, by Chapter 15 may something na eh! Kaso yung kina Kevin at Jersey? Waley. Asaran lang sila!
Bakit mabagal ang pacing ng stories ko? Wala lang. Joke may dahilan yan!
Natutunan ko kasi from my past relationship (or pseudo-relationship) na hindi maganda ang resulta ng mga bagay na minamadali PAG TEENAGER KA. Nagpapadala ka lang sa emosyon, walang ginagamit na utak. Naging tanga ako dyan, at yan ang napala ko. <////3 Ewan ko kung parehas tayo ng opinion ah!
Yung Book 1 ay reflection lang ng mga bagay na SANA GINAWA KO nung nasa relationship ako. SANA. HAHAHA! Pero buti na lang di ko ginawa, mas masaya ako ngayon! XD