TDG Side Story: Atom & Mara
(Disclaimer: Kung hindi niyo pa nababasa ang updated na TDG Book 2 Special Chapters... then skip this part. Basahin nyo muna yung Special Chapter sa Book)
**
Sabi ng ilan, wala na raw "unique" na love story. Oo nga naman, sa dami ba naman ng tao dito sa mundo, at sa lagpas na milyon na emosyon, posibleng meron tayong kaparehong love story. Kaya nga sa mga libro, halos paulit-ulit na lang palagi ang mga kwento, iba-iba nga lang ang pangalan ng characters, settings at ilang pangyayari.. pero it all ends the same. Hindi unique ang love story niyo.
Yan ang point ni Atom ever since bata siya. Para sa kanya, wala nang mas magiging 'unique' sa love story ng parents niyang sina Kevin at Jersey. Tandang-tanda pa nga niya nung kinukwento ito ng Mama niya sa kanila ni Krishna pag kumakain sila. May unique 'glow' si Jersey habang kinukuwento ito. Though theirs wasn't hearts and flowers all throughout, at least they've managed to be together until this day.
Basis niya ng true love ang parents niya, though hindi niya ito pinapahalata sa mga ito, lalo na sa kapatid niyang si Krishna. Baka nga siya pa ang nagmana ng hopeless romantic side ni Jersey, bakit nga ba siya nag-iimagine ng ganito at hindi si Krishna, diba? Role models niya ang mga magulang sa lahat ng bagay, mapa-career man o pati sa pag-ibig. Ideal girl niya ang mga tipo ni Jersey, habang gusto niya na tulad siya ni Kevin, ideal boyfriend.
Walang unique na love story. Sa libu-libong taon ng pagsusulat nito, lahat na halos ay napiga na.
Pero.. pwede mo pa ring gawan ng sarili mong twist.
**
Hindi makapaniwala si Mara nang makita niya si Atom Santos sa classroom na 'yun.
Gusto niya agad na magtago, or better yet, magpalit ng identity o mukha. Alam niyang parehas silang pumasa sa UP Manila, Public Health (She took the course because of him, pero eventually she realized na gusto talaga niyang mag-doctor), pero.. never niyang inexpect na sa unang araw niya sa college ay ito ang makikita niya.
Sure, it has been months since that fateful mall incident. Until now ay pinaparusahan pa rin niya ang sarili sa ginawa niyang kalokahan. Malay ba niyang yun pala ang kapatid nitong si Krishna?! Yes, taga-ibang school siya pero patay na patay na patay siya kay Atom. Una niya itong nakita sa isang interschool exhibition game noong 2nd year high school sila. Sa totoo lang hindi niya peg ang sporty guys, she really hates sweat. Kaso may something kay Atom na alam niyo yun, makes sweating sexy. Ever since that day, smitten na siya sa lalaki. Hindi naman siya yung stalkerish type, pero sakto lang. Gaya ng ibang babae na patay na patay sa crush nila, nag-improve ang stalking skills niya. She rejoiced when she found out Atom doesn't have a girlfriend. Hindi naman siya expectant, at siya lang sa lahat ng mga babaeng sumasamba sa Santos genes nito ang ganun.
Siguro dahil sa gutom kaya niya hinila si Krishna nang makita niya itong nakalingkis kay Atom sa mall. Di niya namukhaan ang younger sister! Ibang-iba pala ang itsura nito sa personal. Bigla tuloy siyang naintimidate! Bakit ba ganun ang genes nila ha?