Epilogue

150K 1.9K 233
  • Dedicated kay To my awesome readers! KAYO NA!
                                    

EPILOGUE

Paano mo ba malalaman kung ang taong kasama mo ay panghabang buhay na?

Ikaw ba yung tipo na susubukan sa trial and error?

O nakadepende ka sa signs?

O di naman kaya.. alam nyo yun.. it just hit you. Biglaan ba.

Iba't iba tayo ng paraan o diskarte para malaman kung sila na ba talaga ang THE ONE.

Sila kaya, anong isasagot nila?

--------------

ONE YEAR LATER

KEVIN'S POV

Sabi nila may mga panaginip daw na nakakalimutan natin. Siguro nagkaron na kayo ng panaginip na ganito, yung detailed masyado tapos habang tulog kayo sinasabi nyo sa sarili nyo na "Ay ikukwento ko 'to pagkagising ko! Para di ko makalimutan!"

Kaso minsan badtrip, nakakalimutan naman natin pagkagising natin. Snippets na lang ang naaalala natin.

Pero may mga panaginip naman na kahit anong tagal na, tandang-tanda mo pa rin yung panaginip mo.

As if it really happened.

Natatandaan nyo pa ba yung panaginip ko nung college? Yung inakala ni Keith na binabangungot ako?

Akala ko hindi na mauulit yun eh.

Pero, sorry kayo.

Kasi...

yung panaginip na yun?

Araw-araw kong nararanasan.

Yes, I am more than lucky to have that in my life.

-

Mukha ba akong tanga kung sasabihin kong araw-araw kong gustong bumangon ng late para mas mauna sya sakin na magising? Tapos hahayaan ko syang kulitin ako, hilahin para bumangon.. syempre ako 'tong loko-loko, yayakapin ko sya ng mahigpit para sabay kaming matulog ulit. HAHAHA! Parang tanga lang.

Pero may mga umaga na katulad nito.

Na akala ko gising na sya, pero yun pala nagtutulug-tulugan din sya. Naghihintayan kami kung sinong unang matitinag saming dalawa. Naku eto ang ayaw ko saming dalawa, parehas matigas ang mga ulo namin, ayaw paawat. Usually one hour kaming ganito. Pero...

"Kevin bangon na dyan."

One year na kaming kasal pero minsan nagugulat pa rin ako sa pagkashowy ni Jersey. Ewan, siguro sa 10 years naming magkasama, nasanay ako na palagi syang nananapak, naninigaw.. mga ganun! Brutalan ba! Minsan nga pag nasa supermarket kami, biglang yayakapin ako sa likod. Nakakagulat lang talaga!

The Despicable Guy Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon