TDG Book 2 - Chapter 29

123K 1.5K 346
                                    

TDG Book 2 - Chapter 29

(A/N: Hmm. What can I say? Advance Merry Christmas sa inyo guys! ♥ Pasensya matagal tong Chapter 29. Don't worry...)

DECEMBER 31

(Kevin's POV)

10:30PM na sa wristwatch ko. Ilang oras na lang, New Year na. Haaaaay ://

Mag-isa lang ako ngayon sa condo. Himala ngang tumigil na sa kakakulit sina Jicker at ang barkada sakin ngayon. Anong meron? Walang New Year Party? Marami nagyaya saking pumunta sa parties, kaso ayaw ko. Nakakatamad magpanggap na masaya ka pag may problema. Hindi mo lang niloloko ang ibang tao, pati rin sarili mo.

Ginagawa ko ngayon? Wala lang. Nood lang ng Boardwalk Empire. Bored. Ganito ko sasalubungin ang New Year, matutulog na lang ako.

So.. I think alam nyo na. Sorry for hiding such information. Medyo.. magulo kasi. Ayoko kasing kaawaan, lalo na ni Jersey. Mas nanliliit kasi ako pag ganun. At ayoko talagang makikita na ang daming umiiyak sa paligid ko. Parang mas feel ko na mamamatay nako. Tsaka gusto happy happy lang diba? :DD

Sa mga nag-aalala dahil may lupus ako, wag kayong ganyan! I'm perfectly fine! :) Every 3 months may check up ako sa St. Luke's. Puro lab tests etc. Gamot. Namana ko ata sa lola ko tong sakit na to. DI PA AKO MAMAMATAY. Treatable ang lupus. ABA, papayagan ba ni Leng na mamatay ang gwapong ito? *kruu kruu*

Ayan, walang iiyak ah. Tama na drama! Wag na lang nating pag-usapan yung tungkol sa accident. Masyadong... gory. Ayoko na talagang maalala. Nako, para san? Para kaawaan?

Actually hindi ko talaga inaasahan na magiging ganito ang mangyayari pag bumalik ako. Ineexpect ko na magiging okay lang kaming lahat, tutal wala nakong feelings kay Jersey at may girlfriend na ako that time. Kaso.. malakas yung kapit e. Akala ko after almost 2 years na hindi pag-iisip tungkol kay Jersey, isang kita ko lang sa kanya, binaha agad ako ng kung anu-ano. Kaya hot and cold ako sa kanya. Minsan gusto ko sya, minsan hindi. Natatakot kasi akong pagkatiwalaan sya ulit, after nung nangyari. Tapos nung panahong alam ko na na.. mahal ko pa rin sya, natakot na naman ako. Baka kasi hindi ganun yung feelings nya sakin. Na pag nareject ako, feel ko babalik lahat ng sakit.

True enough, bumalik na nga.

When she rejected me.. medyo mahirap. Di ko alam kung anong gagawin ko pag nakita ulit sya. It took me a long time to compose myself that I can deal with her, as if nothing happened. Kaso wala rin. Dun din pala punta nun. Medyo nanghihinayang ako ngayon na bumalik pa ako ng Pinas.

Bakit di ko pinasabi sa kanila? Sus, alam nyo naman sila. Masyadong malalakas ang imagination at kayang-kaya gumawa ng kung anong kalokohan. Tsaka makakagulo lang ako sa kanila. Kakagraduate lang nila tapos sasalubungin ko sila ng ganun? Sama ko lang.

Haaaaaay. Ang ingay ng fireworks sa labas! Teka, tutulog na muna ako. Sana paggising ko bukas.. back to zero na lang. Hoy, never kong naisip o nasabi sa sarili ko na sana di ko na lang nakilala si Jersey ah! Swerte ko kasi nakakilala ako ng babaeng katulad nya. Ako lang talaga tong may dalawang sapak at kalahati. Nakakaemo lang talaga.

The Despicable Guy Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon