T.V (True Story)

56.8K 1K 138
                                    

T.V

Isa itong kwento tungkol sa dating katulong namin.

Gabi iyon, tinawagan siya ng Tiyahin niya para makiusap na kung pwede dun muna siya sa bahay ng Tiyahin niya para bantayan ang bahay dahil may lakad daw ito kaya pumayag siya.

Habang nasa bahay siya ng Tiyahin niya, wala siyang ibang ginawa kundi manoud ng T.V ng bigla itong nasira kaya in-off nalang niya ito at umakyat na sa kwarto ng Tiyahin niya. Bukas pa kasi yun uuwi kaya dun muna siya matutulog.

Di niya alam na may T.V din pala dun kaya dun na siya nanoud ng palabas at di niya namalayan na nakatulog pala siya.

Dis oras na ng gabi ng bigla siyang nagising at nakita niya ang T.V na naka-on parin.

"Tss! Nakatulog pala ako." Sabi niya at tumayo na para i-off yun pagkatapos eh bumalik na sa pagtulog.

Mga bandang 1 am ng magising na naman siya at nakita na naman niya ang T.V na naka-on. Sa pagkakaalam kasi niya, in-off na niya yun kanina.

"Siguro nanaginip lang ako na in-off ko yun." Natatawang sabi niya at napagdisesyunang bumangon at patayin ulit ang T.V.

Mga bandang 2 am na naman nung magising siya at nanlaki ang mata niya sa nakita...

Naka-on na naman ang T.V.

Kinurot niya ang sarili niya para siguraduhing this time, hindi na siya nananaginip na pinatay niya ang T.V.

Pagkatapos ng ilang masasakit na kurot na ginawa niya ay pinatay na naman niya ang T.V at natulog ulit.

Mga bandang 2:30 am ng magising na naman siya at dali dali niyang tiningnan ang T.V at laking gulat niya ng naka-on na naman ito.

Nahihintakutan niyang pinatay ang T.V at lumabas sa kwarto ng Tiyahin niya at dun natulog sa sala.

Kinaumagahan, nagising siya sa mga katok sa labas kaya pinagbuksan niya ito. Ang Tiyahin niya pala.

"Magbibihis muna ako Lyn tapos sabay na tayong kumain, bumili kasi ako ng breakfast." Sabi ng Tiyahin niya at umakyat na sa kwarto.

Inayos na niya sa kusina ang mga pagkaing binili ng Tiyahin niya. Narinig niyang pababa na ito.

"Tyang, kain na." Sabi niya.

"Lyn naman, di in-off T.V ko sa kwarto." Sabi ng Tiyahin niya na ikinalaki ng mata niya.

Kaya simula noon, di na talaga siya pumayag na siya ang pinababantay dun sa bahay ng Tiyahin niya.

(A/N: Wag niyo pong kalimutang magVOTE at magCOMMENT, THANKS ;) )

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon