Tito Mar's POV (Tito ni kaye101992)
Nangangahoy o nangongopra kami nun. Ewan, di ko na kasi matandaan. Matagal na kasi yun. Kasama ko si Ute at si Obet. Madilim narin yun kaso kailangan naming magstay muna dun dahil sa may sinisilaban kami.
Nakahiga lang si Ute at Obet dun habang nakatayo ako nang makaramdam ako ng pagkaihi kaya lumayo muna ako sa kanila para umihi.
Patapos na ako nun nang may marinig akong iyak ng sanggol kaya sa sobrang takot ko, napamura ako. Pero imbis na tumigil ang iyak, mas lalo pa itong lumakas at lumakas. Kumuha ako ng ilang piraso ng bato at ipinagbabato yun kahit saan dahil sa takot na takot na talaga ako pero napahinto at napatakbo nalang ako kina Ute at Obet nung mas lumakas pa yung iyak. Takot na takot kong tinawag si Ute para humingi ng tulong. Yung iyak ng sanggol kanina ay nadagdagan ng parang nagpupunit ng tila kaya kinuha ni Ute ang itak at kaluban (lalagyan ng itak) niya at pina-ingay iyon. Ganun lang ang ginawa niya hanggang sa nawala yung iyak ng sanggol at parang nagpupunit ng tila.
Ang sabi ni Ute, Patiyanak daw yung iyak ng sanggol. Ang patiyanak daw ay ibon na humuhuni ng iyak ng bata tapos yung nagpupunit ng tila, aswang daw yun.
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]
HorrorMga kwento ng kababalaghan. Ang iba ay pawang imahinasyon lamang ng Author. Ang iba naman ay katotohanan. Tara at ating basahin at tuklasin ang kakaibang misteryo na bumabalot sa buhay ng ibang tao.