Padada Bridge (True Story)

15.5K 240 54
                                    

Ang story ho na ito ay nagkalat sa city namin.

So, here's the story.

May isang napakalaking Balete tree sa isang lugar na ang pangalan ay Guihing at ang katabi ng napakalaking Balete tree na ito ay isang tulay, ang Padada Bridge. Pero yung tulay ay sira na kaya pinaayos ito ng gobyerno. So, nung pinapaayos nga ang tulay ay may napanaginipan ang engineer na naghandle ng proyekto. Ang nasa panaginip niya ay may isang babae daw na nagsabing dapat mataas yung tulay dahil may dadaan daw sa ilalim nito na napakalaking barko. Sinunod iyon ng engineer.

(Nasa multimedia po iyong picture ng tulay.)

Mga ilang buwan ang nakalipas simula nung matapos ang tulay ay binisita ito ng engineer at sa pagbisita nga niya ay may lumapit sa kanyang mga ilang tao nakatira malapit sa lugar na iyon. Ang sabi ay...

"Simula ho nung matapos ang tulay na ito, gabi gabi ho ay may napakalaking barko na dumadaan dito. Napakaliwanag ho ng barko na animo'y gawa iyon sa napakadaming ilaw."

 

Totoo ba ang barko na iyon o isa iyong mahiwagang barko? Take note, hindi dagat ang nasa ilalim ng Padada Bridge kundi isang maliit na ilog lang. Posible kaya na madaanan ito ng napakalaking barko?

May mga haka haka na ang barko daw na iyon ay barko ng mga engkantong dayuhan na bumibisita sa napakalaking Balete tree sa Guihing.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon