Mga Senyales (True Story)

39.8K 774 155
                                    

Mga Senyales (True Story)

Senyales #1

Si Eki (hindi tunay na pangalan) ay kilalang magnanakaw sa baranggay namin. Walang araw na hindi nananakawan ang mga kapitbahay namin at ang parating itinuturo nito ay si Eki. Kaya naman marami ang nagagalit sa kanya at pinagtatangkaan pa siyang patayin. Isang araw, naglaro ng basketball si Eki sa maliit na basketball court na itinayo ni Mang Ely (hindi rin tunay na pangalan) sa kanyang bakuran.

"Ely, paalisin mo yang si Eki diyan sa basketball court at baka may nakawin na naman yan dito!" Utos ng asawa ni Mang Ely na si Ana.

"Ano ka ba? Kita mong nasisiyahan sa paglalaro yang si Eki tapos paaalisin mo." Sagot ni Mang Ely sa asawa. Naaawa kasi siya kay Eki kahit kasi ganun ang batang yuon pero alam niya sa loob loob nito na di nito gusto ang ginagawa pero kailangan dahil wala itong kakainin pati na ang pamilya kung hindi ito makakapagnakaw. Wala narin kasing nag-ooffer ng trabaho kay Eki dahil sa takot na manakawan lang sila.

Nakita ni Mang Ely si Eki na umupo dun sa mga kahoy na upuan na gawa niya kaya nilapitan niya ito at inabutan ng isang basong tubig.

"Salamat po Mang Ely." Sabi nito at nilagok ang isang basong tubig.

"Napagod ka sa paglalaro?" Maya maya pa ay tanong ni Mang Ely kay Eki.

"Hindi po. Bigla lang pong dumilim ang paningin ko." Sagot ni Eki. Napatingin si Mang Ely kay Eki, putlang putla ang bata.

"Bakit?" Tanong ni Mang Ely habang nakatingin parin kay Eki.

"Nung isang gabi pa po kasi ako walang kain." Sagot nito habang nakatingin sa malayo.

"Tsaka hindi po kasi ako nakapagnakaw kaya po walang kita." Natatawang dugtong nito.

"Teka, hintayin mo ako dito ha?" Paalam ni Mang Ely at dali dalin pumasok ng bahay. Binalot ni Mang Ely ang lahat ng tirang pagkain sa kusina at dinala yun palabas.

"Oh ito, kainin mo nang hindi na dumilim yang paningin mo." Sabi niya saka ini-abot kay Eki ang supot ng mga pagkain. Nagliwanag ang mukha ni Eki at dali daling kinuha ang supot ng pagkain.

"Salamat ho Mang Ely! Iuuwi ko po muna ito sa pamilya ko at ng mapagsaluhan namin. Maraming salamat ho talaga!" Tumalikod na si Eki para umuwi. Nakangiting pinagmasdan ni Mang Ely si Eki pero nawala ang mga ngiting iyon ng may napansin siya sa bata...

Hindi niya maaninag ang ulo nito. Ipinilig ni Mang Ely ang kanyang ulo saka tiningnan ulit si Eki pero wala na ang bata.

Kinabukasan. Habang umiinom si Mang Ely ng kape sa kusina, biglang pumasok ang Misis niya, hindi maipinta ang mukha nito.

"Ely, si Eki..."- Aling Ana

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon