Boses (True Story)

35.1K 657 55
                                    

Boses (True Soty)

Bago lang nangyari to. Nung nakaraang sunday lang. (May 26, 2013). Galing kami sa simbahan nun ng pinsan at kapatid ko. Altar boy kasi ang kapatid ko at may kunting salo salo sila sa simbahan dahil may mga bagong altar boys na natanggap. Gabi na yun, mga 7 pm. Pagkatapos naming kumain, pinuntahan ko ang kapatid ko dun sa upuan ng mga altar boys.


"Ang taas ng lagnat mo ha?!" Sabi ko. Ang init na kasi niya.

"Tara! Umuwi na tayo!" Dugtong ko at hinila siya.

"Ate, mamaya nalang. Kaya ko pa naman eh!" Sabi niya.

"Hin--" Di ko na naituloy ang sasabihin ko, nagbrown out kasi.

"Sige Ate. Uwi nalang tayo." Sabi ng kapatid ko at kinuha ang cellphone niya para pang-ilaw. Pinuntahan ko na rin ang pinsan ko at sabay sabay na kaming umuwi.

Pagdating namin sa bahay, biglang nagpatay sindi ang ilaw kaya tumakbo ang kapatid ko sa kwarto ko. Naiwan kami ng pinsan ko sa labas. Inilock namin ang mga pinto pagkatapos ay pumasok na rin kami kung san pumasok ang kapatid ko. Tatlo lang kami sa bahay nung mga time na yun kasi nasa trabaho pa si Mama at ang body guard at driver rin namin eh sinundo si Mama. Yung isa ko namang kapatid, nasa tindahan. Rest day kasi ng tindera namin kaya nakatoka na sa kanya every sunday ang tindahan.

Maya maya pa, may biglang kumalabog sa pintuan namin. Parang marahas na katok. Hindi kami umimik, hinihintay namin na magsalita yung kumakatok.

"Tao po! Ate!" Tawag ng kapatid ko. Yung kapatid ko na siyang nakatoka sa tindahan every sunday. Dali dali kaming lumabas na tatlo sa kwarto para buksan ang kapatid ko pero pinagpawisan kami ng malamig ng mapagtantong wala namang tao sa labas.

Agad kaming tumakbo pabalik sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Tinawagan ko ang kapatid ko at baka pinagtitripan lang niya kami pero mas lalo kaming natakot sa sagot niya.

"Ate mamaya kana tumawag. Busy ako dito! Ang daming customer at ang dilim pa dito. Di gumana yung emergency light! ge, bye!"

Panglimang beses narin na nangyari to sa kapatid ko, yung ginagaya yung boses niya. Sabi pa ng albularyo, may kakambal daw ang kapatid ko. Pero yung kambal niya, nakatira sa punong acacia malapit samin. Sabi pa ng albularyo, wala daw'ng dapat ikatakot dahil di naman daw masama ang kambal niya, hilig lang daw nitong gayahin ang boses ng kapatid ko.

(A/N: don't forget to hit VOTE and write some questions , reactions or compliments on my COMMENT BOX or MESSAGE BOX ! THANK YOU ! :) )

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon