Ceiling hole

16.2K 235 16
                                    

Ceiling hole

"Matulog ka na. May pasok ka pa bukas." Dahan dahan lang na tumango si Kizely sa ina.

"Sige. Matutulog narin ako." Paalam ng ina ni Kizely. Akmang isasarado na sana nito ang pinto nang magsalita si Kizely.

"M-ma...P-pwede bang tumabi s-sa iyo sa pagtulog?" Naiiyak na tanong niya.

"Kizely, malaki ka na tsaka isa pa, ano bang kinatatakutan mo dito sa kwarto mo? Hindi naman siguro makakapasok ang mga manananggal dito diba? Tsaka isa pa, binigyan na kita ng rosary diba? Magpray ka kay Lord na gabayan ka niya sa pagtulog."

 

"P-pero M-ma..."

 

"Sige na. Matulog ka na." At isinarado na ng ina niya ang pintuan ng kwarto niya.

Napatingin si Kizely sa man hole sa kisame ng kwarto niya. Nanlaki ang mga mata niya nung makitang dahan dahan iyong bumukas. Maya maya pa ay may biglang nahulog na napakahabang buhok galing doon.

"T-tama n-na... T-tama n-na..." Tanging na-i-usal nalang ni Kizely habang umiiyak.

Mas nanlaki pa ang mga mata niya nung makita na dahan dahang sumiwang ang mukha nito sa bukas na man hole.

Babaeng may mahabang buhok, napakaputlang balat, maiitim na mata at nangingitim na mga labi. Dahan dahang bumukas ang bibig nito at nagsalita...

"Laro tayo?"

 

"A-ayoko... A-ayoko..."

---

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon