Sapi 2 (True Story)

19.7K 344 14
                                    

Ang naka-experience: Classmate ko.

His POV

Sa isang public school ako nag-aaral before bago ako nalipat sa isang catholic private school dahil sa isang pangyayari na dahilan kung bakit takot akong pumasok.

Umaga yun. Naglalakad ako patungo sa classroom ko nung mapansin kong may mga chainsaw na nakahilera sa oval namin. Pagdating ko sa room, nagtanong agad ako.

"Bakit may mga chaisaw sa oval?"

"Puputulin daw yung mga masyadong malalaki na na mahogany tree sa tabi ng gym. Sagabal daw kasi." Sagot ng isa sa mga kaklase ko.

Tanghali na. Doon kami kumakain sa gym dahil bawal kumain sa classroom. Habang kumakain, pinapanood lang namin yung mga lalaki na sinisimulan ng putulin yung mga malalaking mahogany tree.

Maya maya pa, dumating yung kaklase kong babae. Si Jean.

"Wala daw munang magaganap na klase this afternoon. Maingay daw kasi masyado yung chainsaw." Balita niya habang umuupo sa tabi ko.

"Yes!" Masayang sabi ko. Nasa likod lang kasi ng gym yung room namin so abot na abot ang tunog ng chainsaw don.

Maya maya.

"YAY! Malapit ng maputol yung dalawang kahoy!" Sigaw ng mga studyante na nakakumpol sa gym habang pinapanood ang pagpuputol ng mga kahoy. Bali apat na kahoy ang puputulin at yung dalawa nga ay malapit ng maputol at matumba.

Maya maya pa.

*KREEEEK! BOOOGSH!*

Natumba na ang isa sa dalawang kahoy at kasabay ng pagtumbang yun ang pagsigaw ni Jean na naka-upo lang sa tabi ko. Napatayo ako dahil sa pagsigaw niya. Sinulyapan ko siya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nakasteady lang ang katawan niya habang nagshishake ng napakabilis ang ulo niya at maya maya pa, nahulog siya sa kina-uupuan niya.

Sinaklolohan siya ng mga guro na andun din sa gym. Pinapakalma siya pero mas lalo siyang nagwawala at nakaturo ang mga daliri niya na naninigas na sa mahogany tree na natumba.

Maya maya pa, natumba ulit yung pangalawang kahoy at kasabay rin ng pagkakatumbang yun ay ang pagsigaw ng isa sa mga studyante na nakatambay din sa gym. Sinapian din ito.

Dahil sa pangyayaring yun, di na nila ipinagpatuloy ang pagputol sa dalawang natitirang kahoy pero kahit na hindi nila yun tuluyang pinutol, araw araw paring may nasasapian. At dahil dun, takot na akong pumasok. Araw araw ka ba namang makakita ng studyanteng nasasapian.

Sa ngayon, natigil na daw ang sapi dahil humingi sila ng tawad dun sa mga kaluluwa na nakatira sa punong kahoy. Every friday rin silang nagdadaos ng misa dun.

(A/N : dont foget to hit VOTE and leave some COMMENTS . thank you ! :* )

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon