Chapter 13: Worried

11 1 0
                                    

Zen POV

Sarap na sarap palang ako ng tulog, maaga pa naman kasi 8 ang klase ko ngayon, but then I felt someone laid beside me.

"Solomon" She almost whispered my name. You know this guy! Nanatili lang akong nakapikit I felt that warm air through my face, nanaginip yata ako pero naramdaman ko na namang nakitalukbong siya ng kumot ko.

This is not a dream anymore! Napamulat ako, ang mukha niyang nakapikit at kunot-noo ang sumalubong sakin. Yung hitsura niya nakabaluktot na nakahawak sa tiyan.

"Yen okay ka lang?!" Baka kasi siya ang nananaginip. Hindi niya gawain na pumasok nalang ng kwarto ko at tatabi sakin.

But then she talked like she's dying. "Ang sakit ng ulo ko, ang sakit pa ng puson ko... may gamot ka ba diyan?!" Agad akong napabalikwas at hinawakan ang noo niya.

Tiningnan niya lang ako na halatang nahihirapan. Gosh! ako yung nahihirapan. "Hindi ka naman mainit ah, anong sakit yan?! Baka naman may nakain kang kumontra sa tiyan, tulad nung mga chocolates mo?!" Alala kong tanong. Kinakabahan ako sa tuwing nagkakaroon siya ng dinaramdam, pano naman kasi pakiramdam ko mawawala siya... sakin.

"Wala ah!" Nahihirapan niyang sabi. "Hindi naman ako nagkakaganito pag may buwanang dalaw pero ngayon ang sakit talaga." Anak ng tokwa!

"Dysmenorrhea ang tawag diyan" Wala pa naman akong gamot sa ganun, hindi ko naman kasi alam na meron siyang ganito.

"Hindi ko alam yang sinasabi mo." Alam ko naman yan eh! Tss! "Ano bang gamot nito?! Ang sakit sakit talaga!" Kita ko sa mukha niya na nahihirapan na talaga siya.

"Ahm tiisin mo muna ng konti bababa na ako para bumili okay?! Konting tiis lang muna!" Tumango-tango siya.

"Okay!" Iniwanan ko na siya sa kwarto ko at nagmadali na akong lumabas. Huli na ng marealize kong nakasuot pala akong pantulog; PJ's and white shirt, tapos nakatsinelas pa ako, nandito na ako sa ground floor, bahala na nga.

Pagpasok ko ng convenient store, pinagtitinginan na nila ako, hindi ngayon ang oras para mahiya ako, wala kayong pakialam, kumuha narin ako ng sanitary napkin baka kasi wala pa siya, saka ako natanong sa counter ng gamot sa dysmenorrhea. Nakangiti pa yung babae ng iniabot niya sakin yung mga pinamili ko. Sige lang ngumiti ka lang hindi kita pagbabawalan.

Dumaan narin ako sa isang resto para magtake out ng breakfast namin, wala na akong time for cooking mamaya.

Pagbalik ko ng condo, nasa kwarto ko parin siya. Pumasok akong may dalang pagkain at tubig, nilapag ko muna iyon sa sidetable at tinabihan siya.

"Bangon ka muna para kumain saka mo inumin tong gamot." Nilingon niya ako at dahan-dahan na umupo, para siyang lantang halaman, biglang nawala ang energy niya, ganito ba kasakit ang nararamdaman niya ngayon? Ang hirap naman maging babae.

Pinapanood ko lang siya habang kumakain. Napalingon siya sakin. "Hindi ka pa ba kakain? Hindi mo ako sasabayan?"

"Hinihintay ko lang naman na sabihin mo." Napairap siya sakin saka ngumiti. "Biro lang! Wag mo akong intindihin, ikaw tong may sakit eh!" Pinapanood ko lang siyang kumain.

Huminto siya sa pagsubo at lumingon sakin, she talked to me. "Pasensiya kana Solomon naistorbo pa kita, hindi naman talaga ako nagkakaganito dati, ngayon lang, hindi ko alam kung bakit." Hindi ko rin alam ang dahilan pero sa susunod na magkaganito ulit siya handa na ako.

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon