Chapter 12: Can I call it a day?

13 1 0
                                    

--->>>

Yen POV

Tinext ako ni Solomon na hindi na muna daw niya ako maisasabay sa pag-uwi. Yung ginagamit kong phone ngayon bigay niya, kaya hindi ko tinatawagan ang mga kapatid ko ay baka ma-miss ko lang sila at mapauwi ako ng wala sa oras, okay na yung nagtetext lang sila kay Solomon.

Nag-aantay na ako ng taxi nang huminto sa harap ko ang sasakyan ni Sir Ethan. 'May iuutos pa kaya ito?!' Pinapanalangin kong sana wala dahil pauwi na ako.

"Zenon is not coming?!" Sabi niya nung bumaba siya ng sasakyan. Nung pinagsasabi nito!

"Hah?! Ano yun Sir?!"

Natawa siya ng konti na hindi ko alam ang dahilan, ah! baka hindi ko naintindihan yung sinasabi niya! Sarey!

"Tawagin mo nalang akong Ethan, wala naman na tayo sa loob ng cafe eh." Yun ba yung sinasabi niya kanina?! Parang hindi!

"ah o-okay sir.. ai Ethan pala! Pero nakakahiya naman po sanyo." Nahihiya kong sabi. Kahit halos 1 month na akong nagtratrabaho sa cafe niya hindi parin ako komportable pag kausap siya, nahihiya ako hindi sakanya kundi sa sarili ko, ang bobo ko kasi, walang utak!

"Wag kang mahiya pare-parehas lang naman tayong tao, gwapo ako, maganda ka" Maganda daw ako?! Sinungaling talaga ang boss na to! "ah mukhang wala si Z, malalate ba yun?!"

"Ahm! Sa katunayan naghihintay ako ng taxi. Hindi muna daw ako maisasabay ni Solomon kaya magcocommute nalang ako." Napatango-tango siya, ano kayang iniisip niya?!

"Tamang-tama pauwi na ako, gusto mong sumabay nalang? Mahirap mag-antay dito ng taxi kasi maraming students na sumasakay din" Ganun. Maglakad nalang kaya ako, nakakahiya talaga sumabay sa boss ee!

"Naku sir wag na, magbubus nalang ako."

"Sabi ko tawagin mo nalang akong Ethan, ang kulit nito. Umamin ka nga natatakot ka ba sakin?" Napalaki ang mata ko sa sinabi niya, natatakot nga ba ako sakanya?

"hah?! hindi ah... sige na nga, sasabay na ako sayo... pero libre to ah, wag mo akong sisingilin." Binuksan ko yung pinto sa likuran pumasok, umupo at sinara. Pero nagtaka naman akong nanatili siyang nakatayo sa labas. Hindi pa ba kami aalis? May hinihintay kaya siya?

Nasagot naman ang tanong ko ng dumungaw siya sa bintana. "So pagmumukhain mo akong driver mo?" Ngumiti ako ng pilit at bumaba na, nakakahiya!. "Sarey! Sabi ko nga dito ako."

Doon ako sa tabi niya umupo. Ilang minuto pa, umalis na kami.

"Bakit daw wala si Z?!" Tanong niya habang nagdridrive, panaka-naka'y lumilingon siya sakin.

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon