Chapter 3: Hello Manila!

43 2 3
                                    

#HelloManila!

Hyenna POV

Walong oras kami nagbiyahe bago narating ang Manila. Ganito pala ang Manila, ang daming buildings, ang daming sasakyan, maingay!

Huminto kami sa ground floor ng isang mataas na building.

"Ito ba ang bahay mo Solomon? Sobrang laki naman."

Lilinga-linga ako sa paligid, madami ding sasakyan.

Tumawa siya ng mahina.

"Hindi, ano ka ba Yen! sobra namang yaman namin kung samin to."

Pumasok na kami sa elevator. Priness niya ang number 15 button.

"kung hindi dito ang bahay mo, bat tayo nandito?" Anong ginagawa namin dito kung ganun? May biglang naglaro sa isip ko... baka naman miyembro siya ng sindikato at ibebenta niya ko.

Wag naman sana lord, kayo na pong bahala sakin. Sana nasa tamang pag-iisip ang kaibigan ko. Taimtim kong dasal sa isip ko.

May halong kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Kasi nga nandito ang condo ko."

Agad akong napaisip sa sinabi niya. Condo? Parang alam ko yun ah.

"Con---do? diba yun yung ginagamit sa ano, ... sa... yung... alam mo na yun."

Tamang hinala yata ako. Naku! mapapataya kita Solomon pag nalaman kong niloloko mo ako, alam kong wala akong pinag-aralan pero hindi ako tanga.

Nagulat naman ako ng bigla siyang humagalpak ng tawa.

"hahahaha kaw talaga Yen, magkaiba ang condo sa condom, grabe to hahahaha"

Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinabing niyang iyon. Pero hindi parin siya tumitigil sa pagtawa.

tahahahhahahaha

Tahahahhahaha

Hindi ka na nakakatawa.

Booooogssshh.

Hinampas ko siya sa balikat.

"ouch, that's hurts ah." Hinaplos haplos niya yung parteng hinampas ko.

Pinandilatan ko siya. "Ano nga yung condo?"

"Psh! para condo lang hindi pa alam, ... kwarto siya na malaki, mas malaki pa sa bahay niyo" Sa pagkasabi niyang iyon ay lumaki-laki pa ang butas ng ilong niya, ibig sabihin nagsasabi siya ng totoo.

Mas malaki sa bahay namin? Aba! bongga.

"Talaga? eh di ang laki nga, sigurado ako nandun na lahat, tama?"

"yup"

Ting! Tumunog yung elevator.

Saka bumukas, naglakad pa kami ng ilang segundo saka huminto sa isang pintuan, number 1505 yun. May mga pinipress siyang numbers.

"Eto ang password ko, imemorize mo, 3blahblahblah" Pero hindi ko nasundan yung sinabi niya.

"hah? wala bang susi, bigyan mo nalang ako ng duplicate." Reklamo ko, ang totoo niyan mahina ako sa memorization, lalo na sa numbers. Siguro pag nag-aaral ako, bagsak lahat ng subjects konb may kinalaman sa numbers. Haha!

"meron, pero kailangan mo parin tandaan para incase na mawala yung susi, alam mong buksan." Ano ba yan! Akala ko ba bestfriend ko to? bat di siya makahalatang mahina ako sa sinasabi niya.

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon