Chapter 16: Sweetness Overload

13 1 0
                                    

---->>

Yen POV

Hindi pa ako nakakasubo ng agahan namin, nagtanong na si Solomon. Kagabi pa ako nakaisip ng mga ipapalusot ko sakanya kaya handang handa na ako sa mga katanungan niya ngayon. haha!

"San ka ba pumunta maghapon, kahapon Yen?"

Sumubo ako bago sinagot yung tanong niya. "May pinuntahan akong sideline." Ang galing ko talaga umarte.

"Anong sideline? Bat di ka man lang nagsabi?"

Nilagyan ko ng kanin at ulam yung plato niya dahil wala pang laman yun.

"Kumain ka muna pwede... sa palengke yun, sa may ukayan, tagatinda ng damit."

Mukhang hindi pa siya naniniwala sakin konting pang-uuto pa. "Bakit kailangan mo pang sumideline? Hindi pa ba sapat yung sweldo mo sa cafe?"

Umakto akong parang malungkot. "Tumawag kasi si Harry kahapon, nadagdagan yung gastusin nila sa pag-aaral, syempre kailangan ko ding dagdagan yung perang ipapadala ko sakanila kaya naghanap ako ng pwedeng trabaho pa, yun lang naman ang pwedeng maging trabaho ko... sa palengke" Nawala ang namumuntong galit sa mukha niya, Yes! Nagawa ko.

"Magkano ba kailangan ni Harry? Dagdagan ko na yung ipapadala mo." Kinapa na niya ang wallet sa bulsa, agad ko naman siyang pinigilan.

"Solomon wag na! Kaya ko pa naman! ... hihingi naman ako ng tulong sayo pag di ko na kaya, diba? Tulad ng dati."

"Pero Yen, pag kailangan mo talaga, magsabi ka lang okay?!"

"Opo!... kumain ka na nga, oh eto!" Sinubuan ko siya. Yan! napaniwala ko na talaga siya. Wala na akong proproblemahin pa. 1 week pa para mag-ipon, uuwi na ako saamin. "Wag mo na akong hintayin pag hapon na kasi diretso nako sa palengke."

"Safe ba talaga yang trabaho mo?"

"Ano ka ba! papatusin ko ba kung mapapahamak lang naman ako"

"Sabagay! Tawagan mo lang ako pag nagkaproblema, okay?"

"Yes boss!" Muli pa siyang ngumiti. Bakit parang lalo siyang gumagwapo sa paningin ko lalo na pag ngumingiti siya.

"Solomon... ang gwapo mo"

Bigla siyang naubo sa sinabi ko agad-agad ko siyang inabutan ng tubig. Natatawa tuloy ako sa hitsura niya, hindi maipinta. haha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon