Chapter 2: Decision

39 2 0
                                    


Hyenna POV

....

"a-aaw,... dahan dahan naman Solomon"

Agad kong nailayo ang mukha ko ng madiinan niya ang gilid ng labi ko ng bulak na may bethadine.

"s-sorry, eto na! dahan dahan na gagawin ko, ilapit mo na yan." Nilapit ko naman ulit ang mukha ko.

Nandito ako ngayon sa bahay nila, ginagamot niya ang mga sugat at pasa ko na resulta kagabi ng pambubugbog ni Nanay.

"sobra na talaga yang nanay mo, kung itrato ka parang ka-sparring lang, di lang sparring, punching bag pa." Wala nalang sakin to, sanay na sanay na ako.

"ahhh, ang hapdi talaga, ihipan mo naman."

Pero may pinahawak siya saakin.

"yan, paypayan mo. Tsk, ako na nga nanggagamot." Kinuha ko nalang iyon at di na nagsalita.

"Ate Yen, Kuya Zen... meryenda muna kayo, ako gumawa niyan... pakijudge narin hehe"

Cake at Juice ang nilapag niya sa lamesang nasa harap namin, nandito kasi kami sa may terrace nila.

Ang nakababatang kapatid ni Solomon, si Zaira, first year college palang siya pero magaling na siya sa baking.

Matalino naman kasi silang magkapatid, parehas na valedictorian nung grumaduate ng high school. Nakakainggit talaga sila, mayaman, kumpara sa buhay namin, walang wala.

"sigurado ka bang makakain to?" Pang-aasar ni Solomon. Lahat naman ng gawa niya masarap para sakin, siguro dahil narin minsan lang ako makatikim ng ganito.

"naman! ako pa! pero hindi ako sigurado sa lasa." Saka siya sumimangot. Maganda si Zaira, parang siyang barbie. Ako? No comment. Nanay ko na nagsabi, magkamukha daw kami nung aso nung kapitbahay namin. Tsk!

"Ate Yen, tikman mo na bilis." Dahan-dahan akong ngumiti, kasi nga masakit yung gilid ng labi ko.

"s-sige"

Kinuha ko yung tinidor at nagsimula ng kumuha ng cake.

"sandali Hyenna, ako muna ang titikim, mahirap na." Mabilis ko siyang nakitang sumubo.

"Si kuya talaga, nakakainis."

Nagthumbs up si Solomon habang ngumunguya. Lumuwag naman ang pagkakangiti ni Zaira, ibig sabihin ay masarap nga ang gawa niya. Kaya naman kumain narin ako.

..........

"anong plano mo Hyenna?"

Lumingon ako sakanya.

Sa totoo lang ay wala akong alam sa tinatanong niya. "Plano san?"

Nandito kami ngayon sa hanging bridge na sa ibaba ay ilog na pinuntahan lang namin kahapon, nakaupo, nakababa ang mga paa namin. May kataasan ang hanging bridge na to.

"habangbuhay ka nalang bang magpapabugbog sa nanay mo?" May pag-aalala sa tono ng boses niya, bumuntong hininga ako saka ibinaling ang tingin sa kalawakan ng ilog, malakas ang agos nito.

"alam mo namang wala akong magagawa diba, haha" Tawa ko pa. "matanda naman na siya, ibig sabihin malapit na siyang mamatay." Tingin ko'y yun nalang ang natitirang pag-asa para di nako masaktan ng ina ko.

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon