Chapter 6: Center of Attraction

37 3 3
                                    


I'm sorry guys for being lazy in updating! Eh lazy talaga ako ee haha :-) pero I'm trying my best naman to finish this work of mine, so, thank you for your patience! Anyways happy reading! :-) Keep smiling!

YEN POV

----->>>>

Isang linggo na akong nagtratrabaho dito sa cafe minsan nagkakamali, minsan napapagalitan pero ayos lang naninibago palang naman ako. Mabait nga talaga ang boss ko kasi tinuturuan niya ako ng mga hindi ko alam tulad ng pagbrewed at kung anu-ano pa, may kasama akong tatlo na nagtratrabaho din dito sina Misty, Minerva at Bryan, ewan ko ba kung plastic ba sila o hindi minsan kasi mabait sila minsan naman hindi.


Katulad nalang kanina. "Yen pakiserve naman to dun sa table 5." Utos sakin ni Misty, kinuha ko iyon at dinala sa table 5.


Pero nagalit yung customer pagkaserve ko. "Ano ba! Nakikinig ka ba kanina, sabi ko cappuccino latte, ... ano to plain coffee!" Isa yata siyang estudyante, dahil nakauniform naman.


"Sori Maam! Palitan ko nalang!" Paumanhin kong sabi. Umirap naman siya.


Tusukin ko mata mo eh! Ako ba kumuha ng order mo? Bwisit! Ibuhos ko sayo tong kape na to eh! Tanging sa isip ko nalang nasasabi ang mga yun dahil pag pinatulan ko siya mawawalan ako ng trabaho.


Idadala ko na sana sa counter ang maling serve ng may tumawag saking customer."Ah excuse me Miss!" Nilapitan ko siya.

"Yes sir!? Ano po yun?!" Tanong ko! Isa rin ba tong hindi makapag-antay?! Gwapo pa naman! Mukhang maisusumpa ko na naman to kung sakaling magreklamo.

"Mukhang yan yun order ko, plain coffee and cheesecake." Turo niya sa hawak ko. Agad kong ibinigay iyon. Ibig sabihin sinadya nilang imali yung table na pupuntahan ko.


Agad akong humingi ng paumanhin. "Pasensiya na Sir, mukhang maling table yung nasabi ng kasama ko kaya sa iba ko naibigay tong order niyo."


Ngumiti siya. "No worries Yen" Napakunot-noo ako. Teka! Pano niya nalaman pangalan ko? Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya naman tinuro niya yung kanang dibdib ko, nilingon ko at doon ko nakita ang name tag ko. Okay!


Nahihiya akong tinalikuran siya. Pagdating ko sa counter sinabihan ko agad si Misty. "Pwede pakidouble check namang mabuti kung magsasabi ka ng table ng hindi ako yung napapahamak."


Agad na nagsalubong ang kilay niya. "Sinasabi mo bang palpak ako?!"


"Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako." Ngayong malayo ako sa Nanay ko, lalaban na ako.


"Aba mayabang kana! Bakit sino bang pinagmamalaki mo?!" Huminto na siya sa ginagawa niya. Wala dito sa counter sina Bryan at Minerva, nasa kusina sila naghuhugas, si Sir Ethan naman nasa office niya sa second floor iyon.

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon