Chapter 14: Test of Friendship

5 1 0
                                    

---->>>

YEN POV

Paglabas namin ng condo, sabay kaming napahinto at napanganga ni Solomon, pero mas malala pa ang nasa harap namin, dahan-dahan niya kaming itinuro na hindi makapaniwala, gusto niyang magsalita pero parang walang gustong lumabas sa bibig niya.

"W-who is he?!... b-boyfriend mo?!" Sa wakas nakapagsalita na siya, tingin ako ang kausap niya. Natatawa ako pero pinipigilan ko lang dahil alam kong galit yata si Solomon. Masama kasi tingin niya kay Shin.

"And you, what are you doing here!?" Feeling ko nanliliit na naman ako sa sarili ko.

"Don't answer me another question Zenon" Binanggit niya pangalan ni Solomon. Magkaibigan kaya sila? Aalamin ko nalang.

"Magkakilala kayo?!" Agad kong singit sakanilang dalawa. Pero nagtinginan lang sila, magsasalita na sana si Shin pero inunahan ni Solomon.

"Kilala mo siya?" Napakunot-noo na ako dahil ang seryosong makatitig sakin ni Solomon nung naitanong niya iyon hindi ako komportable, ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito kaseryoso.

"oo, kahapon lang! nagkasab---" (nagkasabay kami sa elevator)

Hindi na niya ako pinatapos pang magsalita, hinila niya ako palayo doon. "Tara na! Malalate na ako" Nilingon ko pa si Shin na tulala lang doon, nung nangyari dun.

Pagbukas nung elevator naroon si Ethan. Nginitian ko siya at binati. "Good morning sir Ethan".

"morning" Pilit lang yung ngiti niya. Masama din ba mood ng taong to! Teka nga diba sa 10th floor siya? Panong nandito siya sa 15th floor? Ah siguro may pupuntahan din dito. Hindi ko na inusisa pa.

Nagngitian lang naman sila ni Solomon.

"okay ka na ba?" Tanong niya sakin, nasa gitna nila akong dalawa.

Ngumiti ako at tumango. "oo". Ibinaling ko na ang tingin ko sa papasarang elevator pero humabol si Shin na pumasok.

"Hi Ethan!" Bati niya agad nung makita niya ito saka tumabi sakin agad namang gumitna si Solomon saamin kaya naman nasa gilid na ako at sila ang magkakatabi. Ang seryoso ng lalaking to, hindi yata maganda ang gising.

"hi! ... san ka galing?!" Takang tanong ni Ethan pero agad niyang narealize nung lumingon siya sa pwesto namin. "aaah I see" Tumango-tango pa siya. Parang siya walang pupuntahan sa 15th floor ah.

"Ano bang ginagawa mo sa labas kanina?" Tanong ko sakanya, kasi naman nasa tapat siya ng pinto namin tapos nakasandal pa sa pader parang may hinihintay, wag niyang sabihing ako, hindi naman kami close, tsaka bat niya sana ako hihintayin!? Ah, baka naman si Solomon kasi magkakilala yata sila pero ang sama naman makatingin ni Solomon kaya ang alam ko ay hindi rin sila close.

"Hah!? ah?!, ... are you okay now?!" Pano niya nalamang may sakit ako kahapon? Argh proproblemahin ko pa ba yun!

Tumango ako. "oo, okay na ako... magkakilala pala kayo ni Solomon" Dagdag ko pang sabi na agad namang napalingon sakin si Solomon na kunot ang noo, mabilis tong tumanda pramis. "ow... hin--di ba?!" Nag-aalangan akong ngumiti.

"hindi ko siya kilala Yen, kaya manahimik kana diyan." Bakit ang init ng ulo nito. Hindi ako mananahimik!

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon