Chapter 13: Distracted

15 1 0
                                    

---->
 something that makes it difficult to think or pay attention

Yen POV

Ang busangot na mukha ni Solomon ang nadatnan ko sa loob. Problema ng taong to!

"Nakauwi ako ng maayos Solomon kung yan ang sagot ng mukha mo." Umupo ako sa kaharap niyang sofa.

"Yeah! alam ko, pero anong oras na oh!" Heto na naman siya. Uumpisahan na naman ang pangangaral. "San ka ba nagpunta?" Nagsalubong na ang dalawa niyang kilay.

Wala na namang pupuntahan ang pag-uusap na to, tumayo na ako at dinampot ang bag ko. "Magpapahinga na ako." Hindi ko rin naman pwedeng sabihin sakanya na galing ako kay Ethan dahil ayaw malaman iyon ni Ethan, ewan! magkaibigan naman sila. Kumplikado talaga ang buhay nila.

"Yen!" Tawag pa niya sakin ng marating ko na ang pinto ng kwarto ko, narinig ko siyang palapit.

Hinarap ko siya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka huminga ng malalim bago nagsalita. "Wag ka ng mag-alala Solomon, ayos lang ako, okay?!" Saka ko kinurot iyon. "Ngumiti ka naman para hindi ka tumanda agad hah! hah! hah!"

"a-aray" Pilit niyang tinanggal ang kamay ko, haha! Gwapo rin pala ang Solomon na to, pag malapitan he he! "Ang sakit nun ah" Pinandilatan niya ako.

"Ayaw mo kasi ngumiti" Kunwaring sumimangot pa ako. Nag-iba-iba pa direksyon ng mata niya saka ngumiti, yung kilala kong ngiti, mga ganyang ngiti alam kong ayos na kami. "Dapat ganyan, nagmumukha ka ng gwapo sa paningin ko" Nginitian ko pa siya.

"Nang-uuto ka na naman ee... sige na nga magpahinga ka na!" Tumalikod na siya. Buti naman hindi na nangulit. Yung importante kayang nilakad niya kanina, okay na kaya?! Hindi naman siya nagkwento, okay na siguro yun!

Humiga ako sa kama at tumitig lang sa kisame. Inaalala ko ang mga nangyari ngayong araw! Sana maging okay na ang boss ko, mukha siyang okay pero hindi pala! Ang galing niya ah! Pumikit ako ng biglang nagpakita ang mukha ni Solomon na nakangiti. Bigla akong napamulat. Hala! Bakit ko siya biglang nakita?! Baliw talaga ang isip ko kung ano-ano nakikita. Makatulog na nga!

Paggising ko wala na si Solomon, nakita ko yung note niya sa nakadikit sa ref.

Sorry Yen! Hindi na kita maisasabay! May importante lang ako ginagawa.

Binasa ko pa ang isa niyang note.

Kumain ka ng agahan wag magpapalipas ng gutom! Ü

Kusa akong napangiti na bigla ko na namang ikinagulat. Nababaliw na yata ako. Makakain na nga!

Another Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon