Walang tigil at tila hindi nakadarama ng kapaguran ang aking kaliwang kamay habang iginuguhit ang kanyang larawan. Walang eksaktong pagkakakilanlan. Walang eksaktong pangalan. Basta kusa na lang lumalabas sa aking sketch pad ang ideya ng kanyang maamong mukha.
Makalipas ang dalawampung minuto ay natapos ko na ang aking obra maestra. Isang babaeng may lampas balikat na buhok, nakangiting mga mata, katamtamang tangos ng ilong, at may impit na ngiti sa mga labi.
"Paano kaya kung bigla ka na lang magpakita sa akin?" Parang timang na kinakausap ko pa ang larawan na katatapos ko lamang iguhit.
Sino nga ba siya? Siya lang naman ang babaeng ilang beses kong napapanaginipan. At sa tuwing itatanong ko na ang kanyang pangalan ay bigla naman akong nagigising. Ang wirdo, hindi ba?
Nag-inat ako at napasulyap sa orasan. Labinlimang minuto bago mag-alas dose. Nawiwili na naman ako sa pagguhit, kailangan ko na ring matulog dahil may pasok pa ako bukas. Matapos ayusin ang aking gamit ay inilapag ko na lang sa lamesa ang sketch pad at saka nahiga sa kama. Nagdasal muna ako bago matulog at pinatay ang ilaw. Tanging liwanag ng bilog na buwan na siyang tumatagos sa bintana ang nagsilbing tanglaw sa aking silid.
*****
Pagsapit ng eksakto alas dose, unti-unting nagkakaroon ng liwanang ang sketch pad na ginamit ni KEN. Kasabay ng pag-angat nito sa ere ay inilalabas nito ang babaeng kanina lamang ay nakaguhit mula rito. Nagkaroon ng buhay ang misteryosang nilalang. At nang tuluyan na itong makalabas ay ibinalik nito sa lamesa ang sketch pad.
Lumapit siya sa nahihimbing na binatilyo. Sumilay ang isang tipid na ngiti habang marahang hinahaplos ang pisngi nito.
"Salamat sa muling pagbuhay sa akin, kaibigan."
-----------
First time ko gumawa ng Fantasy story na hindi naman nalalayo sa reyalidad. Enjoy reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/48784971-288-k646391.jpg)
BINABASA MO ANG
Sketch It Up, KEN!
FantasyHe is the artist. She is the masterpiece. He's KEN and she's also...KEN?! 12172015